CHAPTER 2

41 2 0
                                    

"Hmm. Good morning sunshine! ^___^"

Ang ganda ng gising ko ngayon kasi hindi ako nakipag inuman kagabi.

Samantalang sina Max, ayun lumabas at humahanap ng mabibilhan ng ice cream. Pang pakuha daw yun kasi ng hangover eh. Haha! Bagay yan sa kanila. Hindi magpapa awat ng inom eh.

Bumangon na ako at naligo. Nagbihis na ako at nag ayos ng mga gamit ko.

Lumabas ako ng room namin at nag lakad-lakad sa resort.

Ang sarap ng hangin dito, pag nalanghap mo parang walang problema.

"Miss! Umilag ka!"

Nagulat ako sa sumigaw. Napatingin ako sa direksyon ng mga naglalaro ng volleyball. Saktong tumama yung bola sa mukha ko.

Napa upo ako sa lakas ng impact ng pagtama ng bola sa mukha ko.

"Ouch! Aray. Yung ulo ko. Parang nahihi--"

"Miss, okay ka lang ba?"

Isang boses ng lalaki ang naririnig ko sabay inuuga yung balikat ko. Hindi ko na nakita yung mukha niya kasi nang dilim yung paningin ko at nahimatay.

Pagkagising ko nasa puting kwarto na ako. Siguro clinic lang ito kasi maliit lang yung space. Sinusubukan ko bumangon pero nahihilo parin ako.

"Miss gising kana? Nurse!! Gising na po siya!" Tumakbo yung lalaki at tinawag ang nurse.

"Miss, ok kana ba? May masakit pa ba sayo?" Sabay tingin ng lalaki sa mukha ko.

Woah. Nawala yung pagkahilo ko sa sinabi niya. First time ko kasi natratuhin na ganito. Madalas kasi inaasar ako.

"Uhm.. Ok naman ako. Nahihilo lang." Sabay hagod ng noo ko.

"Anong nahihilo lang? Baka naman kung napano ka at mamalagot pa ako sa boyfriend mo."

Ano daw?

"Ok lang nga ako. At tsaka wala akong boyfriend noh. So, doncha worry. Konting pahinga lang to, okay na ako." Sagot ko sa sakanya.

"Sure kaba? Teka san ba yung room niyo sa resort para mahatid na kita."

"Kaya ko na nga. Tignan mo, mataba ako kaya, kayang kaya ko na ang sarili ko." Sabay tumayo, pero napaupo ulit ako dahil nahihilo parin ako.

"Yan, tignan mo. Hindi mo pa kaya eh."

Tinulungan niya ako na tumayo. Napatitig ako sa mukha niya. Teka, parang familiar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya.

Hmmm. Isip.. Isip. Aha! Isa pala siya sa mga kaibigan ni Ken. Hindi ko alam yung pangalan niya pero namumukhaan ko lang siya.

"Wait lng, parang kilala kita ah. Diba isa ka sa mga kaibigan ni Ken?"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Paano mo nalaman?"

"Nakikita kitang kasama siya eh. Pero teka, diba dapat masungit ka din katulad niya at tsaka maangas? Bat napaka gentlemen mo sa akin?" Sunod sunod kong tanong.

"Pwede bang isa isahin lang yung tanong? Mahina yung kalaban eh. Anyway, dapat ba kung masungit at maangas si Ken ganun din yung ugali namin? Hindi naman diba? May ibat-ibang ugali at trip yung mga tao. Hindi man ako masungit at maangas. Pero pareho parin kaming trip at mahilig sa sports like basketball ni Ken."

"Ah ganun ba? Sorry naman. Akala ko ganun eh." =___=

Ganun naman talaga diba? Sumagot kayo! Di, biro lang. Haha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Love Story ni PattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon