Chapter 1

45 6 0
                                    

Alex's Pov...

Madaling mang iwan, Pero mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Ganyan palagi ang umiikot sa mundo ko. Lagi nalang Akong Iniiwan ng mahal ko sa
buhay. Misan iniisip ko nalang na sadyang minamalas lang ako o baka naman malas talaga Ako. Yung tipong ramdam ko yung mga taong nasa paligid ko na parang kinakamuhian ako. Minsan naitatanong ko nalang sa sarili ko na masama ba akong tao.



Araw at Gabi nalang ba ako babangungutin sa masalimuot kung pagkatao. Madalas kung tuksoin ang sarili ko na wakasan ko nalang ang aking sarili upang mawala na yung sakit na dala-dala ko, kahit saan ako mapakaroon. Anong Maling nagawa ko? At bakit ganito nalang ako pinaparusan ng panginoon.


Habang naglalakad ako pauwe ng bahay namin. Bigla nalang akong napahinto. Ano pa ang dahilan kung bakit ako uuwe? Wala naman akong madadatnang Masayang Pamilya. Wala din naman akong mapapala kung mag isa akong nag mumuk-mok sa madilim kung tahanan. Ano pa ang Dahilan kung bakit ako uuwe? Mas mabuti nalang pumunta ako sa Bar at mag inom nalang ako ng mag inom hanggang sa makalimutan ko yung masasakit na nararamdaman ko. Iwan ko ba? Bakit pa ako nabuhay sa mundong ito kung walang kaligayahan na mapupuna sa aking mga mata. Mas mabuti pang unti-untiin ko nalang wakasan ang aking buhay sa pamamagitan ng pag bibisyo ko.

Hanggang sa buong araw akong nasa bar at nag iinom. May isang lalaking lumapit saakin at kinuha ang buting hawak hawak ko. Tinatanong niya kung bakit nag kakaganyan ako...

"Miss Ano ba ang problema mo at pansin ko buong araw kang andito?" tanong ng lalaking lumapit saakin.

"Ano ba pakialam mo ah!?"sagot ko sa lalaking lumapit sa akin.
Hinila niya ako  at pinipilit niyang umuwe ako.

"Ano ba bitawan mo nga ako! Wala kang alam kaya tigilan mo ko at pabayaan mo nalang ako dito."Galit na pag kasabi ko sa lalaki.

"Isa kang babae at Hindi ka dapat nag kakaganyan. Alam mo kung may problema ka. Dapat ginagawan ng paraan para masulusyonan, Hindi yung mag Iinom ka at papabayaan mo ang sarili mo.Mamaya mag kasakit ka pa. Tara na ihatid nalang kita sa bahay niyo.?" Hanggang sa inaya akong Umuwe ng isang lalaking diko pa lubos na  kilala.

"Nga pala saan ka pala nakatira at nang maihatid kita?" Tanong ng lalaki saaken, At ng tingnan niya ako..Nakatulog na pala ako  sa subrang lasing. Nag disisyon nalang iuwe nalang niya ako sa bahay nila at ng makapag pahinga ako.

Kinaumagahan nagising si Ako na nakatulala at inaalala ko kung ano ang nangyare. At kung bakit iba yung bahay na nauwian ko. Kumatok naman yung lalaki sa kuwarto na kung saan ako nakatulog buong gabi. At Agad kung  pinagbuksan yung pinto. Gulat na gulat ako sa pagkakabukas ko ng pinto. Isang Matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan ko ngayon. Unti unti kung inangat yung mukha ko para makita yung mukha niya pero napasigaw nalang ako ng malakas.

"WAHHHHHHHH?!

KAPRE!.. KAPRE!.. KAPRE!.."

Sigaw na pag kakasabi ko. Bigla ko siyang naitulak at tumakbo papunta sa higaan at nag takip ng kumot. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Isang lalaking matangkad na nakatayo sa harapan ko at maamo ang mukha.  

"OUCH?!!!..WHY ARE YOU PUSHING ME?"

Malakas na pakakasabi niya saken. Mukhang nasaktan siya sa pag kakatulak ko sa kanya.

Dahan dahan ko siyang sinisilip at nong nakita ko siya nag mumukha na siyang Angry Bird sa subrang inis niya...Yung Namumula na yung mukha niya na parang kinikilig lang tingnan.

"S-.S-..SORRY?"

Utal kung pagkakasabi at with smile pa sa kanya...

"ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO? KUNG GINAWA MONA? TSSK! BUTI NGA TINULONGAN PA KITA KAHAPON EH."

Matigas  niyang pag kakasabi saken..Di ko alam kung anong mararamdaman ko pero parang bumabalik yung pait ng nangyare sa buhay ko. Sa tuwing nakakarinig ako ng masasakit na salita. Mukha lang ako matapang pero sa loob-looban ng damdamin ko durog na durog ang pagkatao ko.

"BAKIT SINABI KO BANG TULONGAN MO KO??"

Malakas na sagot ko sa kanya. At unti-unti na naman pumapatak yung mga luha ko na nanggagaling sa mga mata ko.

Natahimik siya sa sinabi ko at agad ko nang kinuha yung bag ko.


"SIGE...Salamat nalang sa pag tulong mo saken kahapon.."

Sabay alis na ako sa kwarto kung saan ako nakatulog kahapon..

"Miss???! WAIT!! I'M SORRY?!!"

Tawag niya saken pag kalabas ko sa gate. Dirediretso lang ako at saktong pag kalabas ko may dadaan na taxi at sumakay agad ako.. Pagkasakay ko nakita ko yung lalaki na kakalabas lang ng gate at nakatingin sa taxi na sinakyan ko.

"Manong Saan Village  ba to?"


Mahinahon kung pagkakasabi sa manong driver. Agad naman siyang sumagot.


" Ah miss sa ano  #24 Sky Village..." Takang pag sagot saken.



" Bakit  miss?"


"ah W- wala, Wala"

"Mukhang baguhan ka lang dito miss?" Nakangising tanong saken ni manong at mukhang may binabalak na masama saken kinakabahan na ako.

"Manong... Pababa nalang ako jan sa may kanto."

Di nalang ako pinakinggan ni manong at lumiko nalang siya sa may liblib na lugar na di ko alam kung saan papunta. Basta maraming puno ang nasa paligid ko ngayun.

"MANONG...!!! IBABA NIYO NA PO AKO...!! HINDI NAMAN ITO YUNG PAPUNTA SA BAHAY NAMIN..."  Nang Gigilid na sa mata ko yung mga luha ko. Natatakot ako sa gagawin ng lalaki saken...

"Lord patawarin mo ko sa lahat ...Pleasse... tulongan niyo po ako ... kahit ngayon lang po  please.. kahit ngayon lang..."

Pag mamakaawa ko sa panginoon. Diko na namalayan tumutulo na yung mga luha ko. Diko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon..

Tumigil yung lalaki kung saan wala ng tao at maraming mga puno. Pagkatapos pinababa niya ko.

Pagkababa ko agad akong tumakbo palayo at hinabol ren ako ni manong yung taxi driver na sinakyan ko...

Habang tumatakbo ako ng mabilis diko napansin yung bato na nasagi ng paa ko at nadapa ako.

"Ouch!"


Gumagapang parin ako palayo sa lalaking humahabol saken iniisip ko nalang paano ako makakaligtas. Pero habang pinipilit kung lumayo nararamdaman ko yung katawan kung nang hihina na nakita ko nalang yung tuhod kung dumudugo at nanlalabo na yung mata ko hanggang mawalan nalang ako ng malay.

Next~


My Evil Twin'sWhere stories live. Discover now