Chapter 1

1 0 0
                                    


"Hindi ako mahuhulog kahit kanino. Kahit kailan. Itaga mo pa sa bato." Seryoso kong sabi kay Jas. 

Alam niya naman ata kung gaano katigas 'tong puso ko pagdating sa mga ganyang bagay. Pagdating sa pag-ibig. Kaya imposible yang sinasabi niya. Mas imposible pa kaysa magkaroon ng alien sa pluto.

"You'll never know Miave. Minsan kahit gaano katigas ang puso natin, fate will make a way. Malay mo bukas, ma-inlove ka at kainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon." She replied mockingly.

Napairap naman ako sa kawalan sa sinabi niya. "Oh! You've got to be kidding me. Fate? Fate ko na atang mamuhay ng mag-isa sa mundong to jas. And that's for sure. I won't fall inlove." Heck no. Never.

Tumawa na lamang siya at pabirong inangat ang dalwa niyang kamay. Alam niyang pagdating sa ganitong topic, hindi kami nagkakasundo. Kaya mas nauuna na lang siyang sumusuko.

"Okay fine, Ms. Living stone! Ikaw na po. Ikaw na talaga! Ikaw lang ang nabubuhay na bato at yelo sa buong mundo. Ewan ko ba sayo, napakabitter mo na agad eh di ka pa nga nakakaranas ng pag-ibig eh. Bahala na! Akyat na lang tayo sa room at baka mabato tayo ng yelo ni  Ms. Agripa." Dire-diretso niyang sabi habang nag-aayos ng gamit.

Tumayo na rin ako at isinuksok lahat ng gamit ko sa bag tsaka ko binuhat at pinagpag dahil sa iilang damong sumabit. nandito kasi kami sa school grounds at sa ilalim kami ng puno sa may field gumawa ng mga assignments. Sabi kasi ni Jas marami daw gwapong dumadaan dito. Hindi ko naman makita yung sinasabi niyang gwapo. Puro aso lang dumadaan dito eh. 

"Grabe talagang sungit noon ni Ms. Agripa ano? Akala mo araw-araw may sakit sa puson eh. Tapos kung makapagbigay pa ng assignment------"naputol ang pagsasalita ni Jas kaya napalingon ako sa kaniya. Napatigil din siya sa paglalakad at nakatingin sa isang lugar.

Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong may lalaking naka-civilian na nag-aabang sa labas ng admin office. Parang natulala siya kaya kinlabit ko siya.

"Uy Jas. Kilala mo ba yun?" Tanong ko sa kaniya. Baka kasi pinsan niya o kaya kamag-anak kaya siya parang nagulat eh.

"Hindi eh. Pero parang familiar siya eh. Parang nakita ko na somewhere..." Sabi niya habang nagiisip-isip pa. Di ko alam kung ba't siya nagiisip eh wala naman siya nun. Kaartehan ng babaeng to.

"Ah!" Nangiti pa siyang habang tumingin saakin ng makahulugan. 

"Kakilala mo ba? " Tanong ko ulit sa kaniya.

"Bakit? Gusto mo pakilala kita?" Tanong niya rin saakin sabay taas-taas pa ng kilay.

Ha? Bakit? Minsan talaga di ko maintindihan takbo ng utak nito eh.

"Hindi akala ko lang kasi baka kausapin mo pa eh male-late n atayo kay Ms. Agrip. Alam mo naman yun may pagka-saltik sa utak yun isang segundong-------Bakit? "Napatigil ako sa kasasalita dahil tinitignan parin ako ni Jas ng nakangisi. Parang may nakakatuwang pangyayari siyang sinasabi saakin. 

"Wala. Ano nga yun sinasabbi mo? Si Sir Buena? Oo adik talaga yun eh."Sabi niya ulit.

Teka si sir Buena? Si Ms. Agripa yung sinasabi ko eh. Tamo na adik talaga ito eh.

Hinila ko na lang siya para makapaglakad na kami at makaakyat na. Baka pag nagsalita pa ako magulo lang lalo ang utak ni Jas. Ay wala na pala siya nun.

 Nang makapasok  na kami sa room, naghiwalay din kami dahil magkalayo ang mga upuan namin. Alphabetically arranged kasi kaya medyo malayo kami sa isa't-isa. Maya-maya pa, pumasok na rin si Ms. Agripa. Siguro kanina pa 'to natatapilok kasi kanina pa namin siya pinag-uusapan. 'Yaan mo siya. Buti nga sa kaniya yun eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ForneverafterWhere stories live. Discover now