1

15 1 0
                                    

- MEET GALVAN BROTHERS -

Yves POV

" Yves , Joshua tama na yan pumasok na kayo kanina pa kayo dyan sa ulan sabi ng wag muna maglaro ng basketball . " Ito na naman ba tayo nagpapaka-nanay na naman sya . Yves Galvan nga pala sa inyong lahat currently taking Business Management . 

" Alam mo hindi mo kailangan umakto na mabait , nakakasira ka ng araw . " Sabi ko rito habang naglalakad patungo sa kusina para kumuha ng tubig . 

" Ano ba nagawa ko'ng mali sa iyo Yves , Gusto ko lang naman matanggap mo ako bilang nanay mo . " Ang bobo nya naman para isipin yun . Sa nangyari sa nanay namin ng kapatid ko sya lang taon na sinisi ko . 

" Kung hindi ka dumating hindi sana nawala sa amin yung TOTOONG nanay namin . Kaya wag mo ipagsiksikan at ipagpilitan ang sarili mo sa pamilya ko . Alam ko kung ano ang totoong pakay mo sa tatay ko . " Galit kong nayukot ang bote ng tubig sa kamay ko . 

" Kuya ba't ba ganyan ka kay tita Julia , wala naman syang ginagawang masama diba ? " Sabi ng kapatid ko'ng si Joshua . Hindi ganoon kaobservant si Joshua kumpara sa amin dalwa ni Hunter . 

" Manahimik ka nga Joshua hindi mo nga sila kilala ng lubos ano ba'ng malay natin kung bait-baitan lang yan babaeng yan at ang bastardo nya'ng anak ? " Naramdaman ko na lang ang sakit sa panga ko at ang lasa ng dugo dito . 

" Ganyan ka na ba kabastos Yves kahit , hindi na bilang step-mom nyo pero sana galangin mo pa rin si mama bilang babae at matanda sayo . " Ang lakas magsalita ng lalakeng to'h ehh ano lang ba sya dito .

" Galangin ? Seriyoso ka sa hinihingi mo K . Maghanap ka ng amor sa iba wag sa akin . " Tinabig ko ang braso nito bago maglakad paakyat para maligo at magpalit .

" Kuya ! Hayst sorry po tita sa inaakto ni kuya susundan ko lang po . " Narinig ko kay Joshua kaya binilisan ko ang lakad ko para hindi nya ako maabutan .

KIEFER POV

" Anak sana hindi mo na pinatulan ang kuya mo . Mahirap sa kanya ito ka-- ... " Naputol ang sinasabi ni mama ng maibagsak ko ang plato sa harap nya .

" Ano mama ako na naman ang mali ganoon ? Grabe ka ma , kung malalaman ni tito Gael ang ginagawa sayo ni Yves malamang matagal na sya'ng wala rito . Alam ko na mali ang pagsagot ko kay Yves pero mali rin ba na ipagtanggol ko ang nanay ko . " Matapos ko'ng magpaliwanag kinuha ko ang susi ng kotse ko tsaka umalis ng bahay mag-papalipas ako ng init ng ulo .

Habang nagmamaneho napansin ko'ng may naglalakad sa eskenita na papunta sa likod ng condominium . Mayamaya lang may sumunod na isang lalake na medyo matangkad at isa pa'ng lalake na tama lang ang pangangatawan at tangkad . Agad akong napababa matapos ko'ng i-park ang kotse .

" Hmm  , bitiwan nyo ko parang awa nyo na . Bitiwan nyo ko please . " Nanatili ako'ng nakatayo sa may poste malapit sa kanila . Dahil nga medyo madilim ay hindi nila ako maaninag .

" Saglit lang naman ito miss ganda . Paliligayahin ka lang namin . " Nagsusumipa yung babae habang ang isang lalake naman naghahanda sa balak nilang gawin .

" Wah ! Wag po please . TULONG ! " Sa sigaw nito halata mo na maririnig talaga sya hanggang sa harap ng building .

" Manahimik ka sabi ! " Sinikmuraan nito ang babae na syang nakapagpa-init ng ulo ko .

" Diba sabi nya pakawalan nyo sya . " Kalmado ngunit halata sa boses ko ang otorida .

" Sino ka ba ? masyado ka'ng pakielamero . " Akmang susuntukin nya ako ng bigla syang mapatid sa sarli nyang damit . Hayst ang tanga naman nya .

Intransigence Of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon