Ilang araw nang nakaconfine si Ellie sa ospital at ilang araw nadin andoon si Mika sa tabi niya si Taehyung naman ay dumadalaw kada gabi dahil sa schedule nila. Simula din nung sinabi ni Ellie yung kahilingan niya ay naging ilang sa isa't isa sina Taehyung at Mika. Madalas pagbumibisita na si Taehyung ay tulog na si Mika at si Ellie naman ay naaalimpungatan lang. Pero isang gabi narinig niya yung usapan nila Ellie at Taehyung
"Daddy pansinin mo naman na si Mommy" ilang araw na din kinukulit ni Ellie kay Taehyung yan
"Baby alam mo naman hindi ba? Medyo nakakailang kase eh, ikaw kase eh ano bang hiling yun" kunwaring pagtatampo ni Taehyung
"Daddy para sayo yun, alam kong una mo palang siyang nakita nahulog ka na yieeee aminin hahaha kaya nga sinabi ko noon na gusto ko kayo maging Daddy at Mommy eh para mapaglapit kayo, nako Daddy dapat magpasalamat ka pa sakin" namangha si Taehyung sa matured nitong magisip at naisip niya gawin ang ganoong bagay
"Hindi kaya, kelan ko lang siya nagustuhan, teka ilang taon ka na ba talagang bata ka ha at naiisip mo na yung mga ganyang bagay?" pabirong tanong ni Taehyung
"8 years old lang ako Daddy pero 12 years old na ako mag isip hahaha joke lang po Daddy ah basta ang hirap iexplain Daddy"
"Ay Ellie anong oras na pala uuwe na ko, Ellie hindi muna makakadalaw si Daddy dito ng ilang araw, pupunta kami sa America, nanalo kase kami sa Billboard Music Awards kaya kailangan namin pumunta, ilang araw din ako mawawala, naiintindihan mo naman diba?" Sabay yakap niya kay Ellie
"Opo Daddy, naiintindihan ko po" habang magkayakap sila unang humiwalay sa yakap si Taehyung at tumayo na
"Aalis na ko Ellie, palakas ka ah, wag mo pahirapan si Mommy"
"Aye aye captain! Ay Daddy aalis ka nalang? Hindi mo ba gagawin yung lagi mong ginagawa kay Mommy?" At nagulat si Taehyung dahil buong akala niya siya lang ang may alam nito
"Paano mo--"
"Shh sige na Daddy para makapagpahinga ka pa" at ginawa ni Taehyung yung lagi niyang ginagawa... ang halikan ang noo ni Mika bago umalis. Pagkalabas ni Taehyung nagkunwari si Mika na bagong gising at lumabas, hindi niya alam kung ano na ba ang dapat maramdaman, pangako kase niya sa sarili niya na bago niya sagutin si Taehyung ay dapat magaling na si Ellie. Pagbalik niya sa kwarto ni Ellie naabutan niya itong patulog na
"Oh Ellie, kaaalis lang ba ng Daddy mo?" Tanong niya
"Opo, uhm Mommy, hindi niyo po ba mahal si Daddy?" Tanong ni Ellie na ikinagulat niya
"Anong pinagsasabi mo Ellie, matulog ka na bawal sayo magpuyat hindi ba?"
"Mahal na mahal ka ni Daddy" at hindi na siya tuluyan nakapagsalita
"Mommy alam ko po na ako ako yung unang iniisip mo, mommy sana isipin mo din yung kaligayahan mo, ng puso mo... mommy baka mapagod na si daddy kakahintay sayo bago mo marealize na mahal na mahal mo pala siya noon pa... Mommy mahal na mahal po kita pero alam kong mas mahal ka ni daddy kesa sa pagmamahal ko... good night po.. I love you" sabay halik ni Ellie sa noo ni Mika at natulog
YOU ARE READING
I Love this Instant
Non-FictionMadami nang instant ngayon, instant noodles, instant canton, instant coffee, kulang nalang magkaroon ng instant pera eh pero meron na eh scam nga lang chareng, hindi naman lahat hahaha.. Teka eh pano kung "Instant Anak" ang magkaroon ka? Hindi binig...