"ANG SAKIT NG GINAWA MO. MABUTI KA PA NAKA MOVE ON NA. SAMANTALANG AKO DITO PATULOY PA DIN ANG PAG LUHA"
Sabi mo "kahit kailan hindi kita sasaktan"
Sabi mo "kahit kailan hindi kita pababayaan"
Sabi mo "kahit kailan hindi kita iiwan"
Sabi mo "kahit kailan hindi ko hahayaang tayo ay magkahiwalayan"
Mga pangako mong kay sarap pakinggan
Natatandaan mo pa ba lahat ng sinabi mong yan, aking dating kasintahan?
Mukhang hindi na. Malamang hindi na.
Sapagkat kasama mo na syaHayaan mo akong balikan ang nakaraan.
Ang nakaraan na kahit anong gawing paglimot ay paulit-ulit na nanumnumbalik na parang kailan lang naman
Kailan lang naman ninanamnam at iniiyakan
Ang ating pag-iibigan na nagsimula sa Pangako ay nagtapos sa PaalamanHabang ako'y nasa isang tabi nananahimik at naka upo
Ako ay nakatanggap ng mensahe mula sayo sa pamamagitan ng telepono at nakipagkilala sa akin estranghero
Tinanggap ko naman ang pakikipagkilala mo at simula non naging matalik na magkaibigan tayo
Araw-araw tayong nag-uusap at kapwa masaya tayoSa saya na ating nadarama habang nag-uusap ang oras ay di na namalayan pa
Narito ang aabutin tayo ng ala-una ng umaga at gigising ng maaga
Kukunin ang telepono upang kamustahin ang isa't-isa
Tatanungin kung ang panaginip ba ay naging magandaKahit kailan di pumalya
Ang pangungumusta sa isa't-isa
Makalipas lamang ang ilang linggo
Ramdam ko na ang pagkahulog sayo
Di man sigurado kong ako ay sasaluhin moNag-lakas loob ipadaan sa mensahe ang "i love you"
Nagkunwari isa lamang biro
Nagulat ako ng ikaw ay tumugon at aminin na mahal mo din ako
Hindi hadlang ang ilang layong kilometro at distansya ng ating mga puso
Kahit sobrang bilis ng mga pangyayari ako ay lubos na nagtiwala sayoBente kwatro(24)
Ang araw na masasabi kong pinakamasaya ako
Ang numerong nagpapaalala sa akin na nagkaroon ng 'tayo'Sa mga naunang buwan ng ating pag-iibigan
Masaya tayo at hindi nagbabangayan
Ngunit ng mag tagal tayo
Ikaw ay nagbago, bakit mahal ko?Iniintindi naman kita, wala namang problema diba?
Alam ko naman ang dahilan kung bakit ikaw ay laging wala
Laging wala upang iparamdam ang pagmamahal na aking inaasam
Umaasa na sa pag gising makakatanggap ng mensahe ng pag hingi ng tawad dahil ikaw ay hindi nakapagparamdam
Di nakapagpaalam na matagal mawawala o aalis kasama ang barkada o pamilya
Ngunit wala.
Wala ka nong mga panahong sayo ay labis na nangungulila at kailangan kita
Kailangan kita upang ang tampo na nadarama ay malusaw na
Ang topak ay umayos na
Ang pagluha ay tumigil na
Ang paghikbi ay humina na
Nasaan ka nga ba talaga?Wala kang ibang ginawa kundi ang dagdagan ang sakit na dinadala
Kung kaya't nagkaroon ako ng hinala
Na ikaw ay may iba na
At ang pwesto ko ay napalitan na
Ang nilalaman ng puso mo ay iba naAng inaakalang hinala ay napatunayan na nga
Kaming dalawa ay iyong pinagsabay, sira-ulo ka!
Ang oras na para sa akin ay inilaan na sa iba
Kung kaya't mas makakabuti kong ito ay tapusin na
Palayain, kalimutan at patawarin ang isa't-isa sa mga pagkukulang na pinunan ng ibaAng pag-iibigan nating nagsimula sa Sabi mo at nagtapos sa Sabi ko
Na parang binuhusan ng acido ang puso ko
Ilang buwan na din ang lumipas, ikaw ay naging maayos
Ngunit ako heto ay di pa din tuluyang makaraos
Makaraos sa ating nakaraan
Na kapag pumasok sa aking isipan
Ang aking mga luha mula sa aking mga matang walang pahinga ay nagpapatakan
Na kahit kailan di mo nasilayan
Bakit mo nga ba ako nagawang pagtaksilan?
Dahil ba sa kanyang taglay na kagandahan?
Sa katawan nyang malaman?
Ahhh, alam ko na! Dahil mukha akong napabayaan!
Kung kaya mas pinili mo akong saktan
At iwang sugatan
Umaasa akong sa tamang panahon ikaw ay tuluyan ng makakalimutan
Kahit ang puso ko ay sinugatan
Pagkatao ko ay tinapakan
Maliit na bahagi ng aking Puso ko ikaw pa din ang lamanAng pinaghalong pagmamahal at puot para sayo ay mawala at matapos na
Masaya akong tunay sa lahat ng iyong tinatamasa
Kahit niloko mo lamang ako
Kahit hindi mo man tinupad ang mga pangako mo
Kahit hindi mo ako sineryoso, ako ay ginago
Tinago mo man ako bilang isang sekreto
Hindi ka man sa akin naging matapat
Sa tulong ng isinulat kong ito ikaw ay akin ng pinapatawad
Sapagkat pagod na ako sa bigat ng sakit na aking buhatAng pagmamahal na sa iyo ay minsan kong nadama
Ay pakakawalan ko na para tuluyan ng sumaya na di ka kasama
Ang mga pangarap na binuo magkasama ay wawasakin na
Wawakasan ko na upang makalayo sa inyong dalawa, sana kayo ng iyong bagong pag-ibig ay lumigaya sa piling ng isa't-isa
Patawarin mo ako sa pakikisalo sa inyong istorya.Pangako ko sa sarili ko na susunod na ako'y iibig di ko na ulit hahayaan ang sarili kong mahulog sa tulad mong estranghero at paglalaruan lamang ang puso ko.
@mitzi143 ❤