Reika's Day

316 4 3
  • Dedicated kay Roshel Corilla
                                    

***

Nagising akong malungkot at mabigat ang pakiramdam. Wala naman akong natatandaang pinoproblema. Naalala ko bigla ang crush ko ,may kasamang ibang babae. 'Bahala siya sa buhay niya! Kung ayaw niya sa akin maghahanap na lang ako ng iba.'',sa isip ko. Ang mga maliliit na bagay na ganyan di na dapat iniisip pa. Sabi nga sa kasabihan, madaling pakawalan ang mga bagay na di mo kayang makuha.

Makalipas ang limang minuto kong pagmumunimuni ay bumangon na ako sa aking pagkakahiga. Naaamoy ko na ang lutong ginisang corned beef ng aking ina. Matapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako upang mag-agahan.

"Oh anak, Reika kain na. Malelate ka na niyan !", sabi ni mama.

Niyakap ko siya bigla at hinalikan sa pisngi. Di ko naman palaging ginagawa iyon pero parang sa mga oras na iyon ay gusto kong maglambing.

" I LOVE YOU MAMA,! LOVE NA LOVE PO TALAGA KITA! PATI SINA PAPA AT ATE!" Halatang nagulat siya sa mga pinagagagawa at pinagsasasabi ko. Pati sarili ko di ko maintindihan.

"Kumain ka na nga . Ikaw bata ka."

Habang kumakain ay tinititigan ko lang siya.

'Oh nakatulala ka pa diyan. Mag-aalas otso na!", pag-aapura niya.

Tumayo na rin ako agad at nagmadali sa pagpasok. Niyakap ko siya ulit ng napakahigpit bago umalis ng bahay.

Pumara ako agad ng jeep . Bawat paghakbang palayo ay tila napakabigat.

"Lalagnatin ba ako ngayon? "

Hinawakan ko ang aking noo pero parang hindi naman. Bakit ganito ang nararamdaman ko , kakaiba.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa school na pinapasukan ko-magulo,maingay. Sa gate nakita ko ang kaibigan kong si Coreen, ang mabait at sweet kong bestfriend.

"Coreen! Hintayin mo ko !", Tumakbo ako para maabutan siya.

"Oh Reika ikaw pala yan. Sorry di kita narinig."

"Ok lang."Humahangos na sagot ko.

Magkakaklase na kami simula first year highschool at ngayon ay kasalukuyan kaming nasa aming pangatlong taon. Grabe ang bilis ng panahon. Tatlong taon na rin pala kaming magkaibigan.

"Reika ba't ang tamlay mo ngayon?" ,puna ni Coreen.

Pati ako ay naninibago sa aking sarili. Madalas kasi ako ang pinakamaingay sa klase. HYPER nga ang tawag sa akin ng aming guro. Pero ngayon ay parang gusto ko lang manahimik sa aking upuan.

"Ah wala. May iniisip lang ako.",sagot ko.

Astray (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon