Chapter 1
"Janella! Punta tayo sa The Lost Planet." Tiningnan ko ng masama si Jessica. Alam naman nyang wala na akong hilig dyan sa EXO eh. Hater na nila ako simula nung... Basta. Long story. Nakakatamad magkwento.
"A-YO-KO." Pinatay ko na yung tv at umakyat na sa kwarto. Nababadtrip talaga ako sa tuwing may sinasabing related sa EXO 'tong si Jessica. Nakakabwiset kaya yang EXO. Puro pacute lang. Aish.
Kinuha ko yung iPad ko at naglog in sa Twitter.
*scroll down*
*scroll up*
*scroll down*
*scroll up*
*scroll down*
-_-"
Aish. Kung hindi lang talaga mahal 'tong iPad ko, kanina ko pa tinapon 'to. Puro EXO nasa tlist ko. Punyeta.
Pinatay ko nalang yung iPad ko dahil puro EXO talaga nasa tlist ko. Bakit kasi hindi ko inunfollow yung mga EXO stan dun sa twit accnt ko? Eh sa nakakatamad :3
Heol. Ang boring~ Bakit kasi ang tagal ng vacation namin? Gusto ko nang mag-aral. Sipag ko no? Kaya dapat ako ang tularan hindi yung EXO.
"Janella! Shopping tayo~ Kailangan ko ng damit." Nabobored naman ako eh kaya pumayag akong sumama kay Jessica.
Dumiretso kami sa may pinakamalapit na mall. Pumasok si Sica sa pinakamahal na boutique. At talaga sa pinakamahal ha? Effort kung effort. May date ba 'to?
"Bagay ba sa akin 'to?" umiling ako.
"Eh eto?" Umiling pa rin ako.
"Eh ano bagay sa akin?"
"Yun." Tinuro ko yung gown. Yung pinakaweird na gown.
"Srsly?" Tumango ako.
"Okay." Pinakuha ni Sica sa sales lady yung gown. Pfft. Naniwala naman 'tong si Sica. Uto uto forevss.
"Saan mo ba isusuot yan?" Tanong ko nung pagkatapos bayaran ni Sica yung gown nya.
"Sa TLP Concert." Pfft. Tama pala yung tinuro ko eh. Bagay sa kanya yan. Haha!
"Bibili pa pala ako ng shoes ko. Sa Bubble Town nalang tayo magkita ha. Ge. Bye~" paalam sa akin ni Sica. Arte talaga nung babae na yun. Porket concert lang ng EXO, pag-eeffortan na ng sobra? OA ha.
Sinunod ko nalang yung sinabi ni Sica. Pumunta ako sa Bubble Town at bumili na rin ng Bubble Tea. Kaya nga Bubble Town eh kasi bilihan ng Bubble Tea.
Halos lahat ng seats sa Bubble Town ay occupied na kaya medyo natagalan ako sa paghanap ng mauupuan. Pero after rin ng ilang minutes ay nakahanap rin ako kaso sa tagong part ng shop.
Tinext ko si Sica kung saan ako nakapwesto para hindi siya pashunga shunga sa paghahanap sa akin.
Tutal ang tagal pa ni Sica at nabobored na ako dito, ikukwento ko sa inyo ang history ng EXO stan to EXO hater story ko. Sinisipag ako eh.
**Flashback**
"Sica! Ang gwapo talaga ni Kai no." tinapat ko sa mukha ni Sica yung pic update ni Kai.
"Ano ba. Puro ka EXO nanaman eh. Tsaka wala akong gusto dyan sa EXO mo." Pakipot pa 'tong si Sica. Eh nahuli ko naman na siyang pinagpapantasyan yung solo poster ni Kris sa kwarto ko.
Dahil busy si Sica sa school works niya, eh nagspazz nalang ako sa laptop ko. Baka kasi pag ginulo ko yang si Sica eh saksakin niya ako ng baba niya XD