High School Of The Dead [The Mystery Of D.I.E. High School]

98 2 0
                                    

#Special Participation's of:
*Yuson, Rhealyn
*Vidal, Jessica

#Introduction"
-> Tatlo kaming transferee student's na kakatransfer lang from somewhere, nagtransfer kami sa "Dominican Institute for Ethics High School" or "D.I.E. High School" kasi ito ang malapit sa lugar kung saan kami nakabased dito sa Philippines ngayon, kinda awkward if you read the accronym of our school pero astig din kung iisipin... Oh! BTW, ako nga pala si Iris Diana Tamor but everyones calling me "Iris" or sometimes "Yana!" haha! anyways sila naman ang Girlfriends ko, si Rhealyn "Rhea" Yuson at si Jessica "Jess" Vidal. Super kulet lang talaga ng pinagsimulan ng friendship namin, biruin mo paano mo mapagsasama-sama ang tatlong taong may iba't-ibang personalities?? Si Rhea ang palamura, weird at serious type ng grupo pero wag ka siya rin ang "muse" ng group namin, HABA NG HAIR EH!?!, si Jess naman ang funny, suitor magnet at joker ng grupo. GANDA RIN EH!?!. And me, what??... okay fine! they found me sarcastic, bully, humourist, blah! blah! blah! etcetera. let's not talk about "GANDA" ok?? WALA AKO NON!


#Chapter Wan!!!

             It was all started at "D.I.E. High School" first day namin ngayon, buti na lang magkakaklase parin kami hindi na kailangan maghanap ng makakaclose para lang may makausap.

"Naku, beh bilisan na naten. First Day to noh??" sabi pa ni Rhea habang pilit kaming pinagmamadaling maglakad ni Jess.

"Hello?? nasa loob na tayo ng campus Rhealyn! At isa pa 6:00 am pa ang start ng klase 5:45 am pa lang! hindi ka excited noh??" sabad ko naman.

"TAMAAAAH! ano ka ba girl chilaaaax ok??" sagot din ni Jessica.

"Hay! gusto ko na ring umupo, T**G-I*A ang saket na ng paa ko noh!" sabi pa nito habang paika-ikang naglalakad dahil sa 3 inch na heels niya.


Sa hinabahaba ng paglalakad namin sa wakas nakarating na rin. Pagpasok namin sa room, para kaming pumasok sa kumbento, super tahimik at lahat ay nakatingin lang sa amin. AWKWAAAAAAAAAAAARD!!!!....

Dumiretso na kaming tatlo sa pinakadulong upuan dahil malamang sa malamang dun din naman kami papaupuin dahil sa mga surename namin.

Ang akala ko ako lang ang nakapansin na iba ang klase'ng iyon. Kinalabit ako ni Jessica.


"Ui, beh ang awkward noh?? super tahimik nila parang hindi tayo bagay dito." bulong pa nito saken.


"Baka naman sikat na terror ang adviser natin??" sagot ko naman bilang pagtatapos ng usapan dahil dumating na rin ang teacher namin.


Maski ang adviser at subject teachers namin ay sobrang limitado lang magsalita, ang mga classmates naman namin ay mga isang tanong at isang sagot. Nakakapanibago. Ibang-iba to sa mga sections na napasukan ko.

Nang dumating na ang pinakafavorite subject ng lahat ang "RECESS" nauna ng pumunta sa canteen sina Rhealyn at Jessica at ako naman ay pumunta muna sa  locker station. Habang inaayos ko ang mga gamit ay kapansin-pansin ang hallway ng school na sobrang tahimik at bilang lang mga estudyanteng nagdaraan doon.

Pagsara ko ng pintuan ng locker ay ikinagulat ko ang matandang babaeng nakatayo sa tabi ng locker ko.


"OH! MY GOD! Mader bakit po ba kayo nanggugulat??" tanong ko pa sa kanya.

"Maling desisyon ang pagtransfer ninyo dito! Umalis na kayo hanggat may oras pa!" sabi pa nito habang galit at nanlilisik ang mga mata. Tsaka umalis.

"Po?? teka! Ma'am ano pong ibig niyong sabihin??" sigaw ko pa pero hindi na siya tumigil sa paglalakad.

Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa canteen ng balisa.

"Oh? baket??" tanong pa ni Jessica saken.

"Baka nawala na naman ung phone niya!" sabi pa ni Rhealyn sabay tawa ng mag-isa.

Tinignan ko lang siya sabay sabing "hindi nakakatawa eh!?!"

"siraulo ka ah??" sabi naman nito.

"Oh! bakit nga??" tanong ulit ni Jessica.

"Beh, may nakita akong matanda nakatayo dun sa tabi nung locker ko. Galit na galit siya at nanlilisik ang mga mata nung sinabi niya sakin na "Maling desisyon ang pagtransfer ninyo dito! Umalis na kayo hanggat may oras pa!". kwento ko pa sa kanila.

"Huh?? baka naman nantitrip lang??" sabi ni Jessica pero tulad ko bakas na rin sa kanila ang pagkatakot.


Habang kumakain, napansin ko ang isang babaeng nakatingin sa amin, i find her nerd. Wearing a silly nerdy glasses, and holding many books...

"beh?! tignan niyo siya." sabi ko pa sa kanila pero nung pagtingin ulit namin ay wala na siya.

"sino??" tanong naman ni Jessica na noon ay nakaupo sa bandang kanan ko.

"teka! hindi niyo ba nakita yung babae?? nakaupo siya dun kanina." paliwanag ko pa.

"kumain ka! gutom lang yan!" sabi naman ni Rhealyn.


At sa pangalawang pagkakataon ay nagsawalang-bahala ulit ako. Pagkatapos ng recess ay pinatawag ang lahat ng mga estudyante para pumunta sa activity center para sa orrientation. Habang naglalakad papunta sa activity center ay nakita ko'ng muli yung babae sa canteen kanina. And this time nakita na siya nila Rhealyn at Jessica.

"siya! siya yun! yung sinasabi ko kaninang babae dun sa canteen. wala ba kayo'ng napapansin na kakaiba sa kanya ha??" tanong ko naman.

"ahmf! ok, medyo nerd and weird siya. bakit??" sabi naman ni Jessica.

"yun lang?? hindi niyo ba pansin yung mga tingin niya satin?? para'ng galit na galit siya... diba?? diba??" pangungumbinsi ko pa.

"hay, naku! napapraning ka na naman eh! halika na nga!" sabi naman ni Rhealyn sabay hatak sa kamay ko.


Bakit ba ayaw nilang maniwala?? Na may something sa mga student dito?? Maski mga teacher weird din...

----- End Of Chapter Wan -----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Of The Dead [The Mystery Of D.I.E. High School]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon