PROLOGUE
------------------
"Walang sayo Nicole! Wala!"
PAK! Ang lutong ng sampal ng bidang babae dun sa impaktitang kabit ng asawa niya. Hinawakan nung kontrabida ang namumula niyang pisngi. Ouch ha. Kahit sa tv mukhang masakit nga yung pagkakasampal nung bida. Siguro tinitoo niya yun.
"Hindi mo kasi naiintindihan Monica. Mahal namin ni Adrian ang isa't isa!"
Sagot nung kontrabida habang umiiyak at may kasabay pang uhog na tumutulo sa ilong. Mmm. Sarap.
"Malandi ka! Ano ang una mo tinanggal ha?! Yang konsensya mo o yang panty mo?!"
Hahaha! Napatawa ako dun ah. Nagsabunutan na sila. Para silang mga manok na nagsasabong. Siguradong mataas ang rating ng palabas na 'to. Syempre madaming nakakarelate eh.
May lalaking dumating na pumagitna sa kanila tapos nilayo yung bida dun sa humahagulgol na kontrabida.
"S-sorry Monica."
Paulit-ulit na sabi nung kontrabida. Pasorry sorry pa siya! Eh bagay lang naman sa kanya yun Kulang pa nga eh! Dapat sa kanya balatan ng buhay at iluto sa kumukulong mantika!
Masyado ba akong affected?
Hehe di naman. Medyo lang :P
Akmang sasagot na si Monica nang...
BZZZT.
Naging black at namatay yung tv.
Anak naman ng tokwang panis oh! Damang dama ko na yung palabas eh! Tagus-tagusan na sa buto ko! Weh korni.
Lumingon ako sa likod at nakita si kuya na nakahiga sa sofa at hawak hawak ang remote.
"Hoy! Ba't mo pinatay?! Buksan mo ulit! Matatapos na yun!"
Tsk. Pang-asar talaga tong bwiset kong kapatid. Wala talagang araw na di ako pinatahimik nito (-___-")
"Ayoko nga." sabay dumila pa.
Tumayo ako para kunin sana yug remote sa kanya pero bigla naman siyang tumayo sa may sofa at itinaas yung remote.
Anak ng putakte! Ba't ba kasi di ako binayayaan ng katangkaran!
"Amin na kase yan!"
"Abutin mo muna."
Umakyat din ako ng sofa at hinila hila yung braso niya pero ang tangkad talaga niya -__-"
"MA--"
Magsasalita na sana ako para isumbong siya kina mama pero inunahan niya ako.
"MAMA SI MAX AYAW PA MATULOG OH. NUOD NG NUOD PA DIN NG TV."
Tiningnan ko ng masama ang napakabait kong kuya at ngumiti lang ito ng nakakaloko. Tss. Panigurado gusto nanaman nito masolo yung tv para makanuod ng basketball.
"Max! Matulog ka ng bata ka! Tapos na ang bakasyon! May pasok ka na bukas!" narinig naming sagot ni Mama galing sa kusina.
"Paano ba yan?" sabi ng magaling kong kapatid.
"Ibigay mo na kase!"
Sinubukan kong agawin ulit yung remote pero attempt failed nanaman.
"MA--"
"OO NA!"
Magsusumbong nanaman sana siya nang bigla akong sumagot at padabog na umalis. Narinig kong bumukas uli yung tv at umakyat na ako. Tsss. Para naman akong bata nito. 3rd year na ako bukas! Pero sinasabihan pa din akong matulog na! Takteng buhay to oh.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng pantulog.
Haaist. Makatulog na nga lang. May iba pa ba akong choice? Syempre wala.
Kinuha ko yung cellphone ko sa lamase at in-on yung radio. Pampaantok lang.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off you.
May pasok nanaman bukas. Another semester nanaman na puno ng sakit sa ulo. Haaayy. Wala bang bago? Like you know...
Lovelife?
CHAROT!
You'd be like heaven to touch.
I wanna hold you sa much.
Pero di nga. Siguro normal lang naman na makaramdam ako ng ganito bilang isang healthy na teenager. Masyado ko kasing kina-career ang studies. Minsan gusto ko nang sabihan ang sarili ko ng--
Why so serious?
Joker lang ang peg?
O kaya..
Have a break. Take a KitKat.
At last long love has arrived
And thank God I'm alive.
Harhar. Korni ko na. Pero seriously speaking, sana naman malapit na kong makatagpo at makaranas ng tinatawag nilang love.
Eewwww. Nakakakilabot.
Antok lang siguro to.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off you.
Zzzzzzzzzzzz............
BINABASA MO ANG
The Substitute Teacher
HumorShe's a 3rd year student and he's a professor. And they become lovey dovey. HALA! Bawal yun ah!