(Max's POV)
7:30 ang pasok ko sa school at ako'y nakarating ng 7:40. In short, late ako. Pero wala pa namang prof pagdating k ng room so I guess di pa ako late.
"Bes! Anyare sayo? Umagang umaga ba't ganyan ang itsura mo?" bungad sakin ni Kath na kaibigan ko. Bes nga eh. Obvious ba?
"Di ba halata? Combination lang naman ako ng batang yagit at basang sisiw." sagot ko sabay irap.
"So sungit mo naman! Tara nga. Samahan kita sa cr at linisin natin yang umiform mo!"
Pumunta kami sa cr ng girls (alangan namang sa cr ng boys) at humarap ako sa salamin.
I look normal naman. Medyo basa pa yung buhok ko kase kakaligo ko lang bago ako umalis ng bahay. Nakasimangot naman yung mukha ko which is common naman sakin. Pero yung uniform ko...
BASA
at
BROWN dahil sa putik.
So nice noh?
"Where did you go kase and your uniform became so dirty like that?"
Ayoko ng maalala hanggat maaari pero para sa inyo at sa kaibigan kong napakaConyo, ikukwento ko na kung anung nangyari.
----
First day ng school year so naisip ko na pumasok naman ng maaga aga at baka sakaling maipluwensyahan nito ang attendance ko throughout the year.
Kumakain ako ng almusal ng biglang sumulpot si Kuya na nakatakip lang ng towel ang lower part dahil galing siya ng banyo at kakaligo lang.
Kung di ko lang siya kaano ano at kakilala baka matagal na kong nagkagusto sa kanya at baka narape ko na siya.
Kaso kapatid ko siya. So hindi. Erase erase. Kadiri to the maximum power. Kumakain pa man din ako. Ugh.
"Baon mo... Maximo." sabi niya at may nilabas na pera.
"Shut up!" sigaw ko at tumayo na ako at hinablot ang perang hawak hawak niya.
"Hahahaha. I really love your name. Max. Maximo. HAHAHA!"
Ibinulsa ko ang pera at nagligpit na ng mga pinagkainan. Ang aga aga nambubwisit nanaman tong tsonggong to.
For Pete's sake, my name is Maxine! Not Maximo! (whoever Pete is) Tch.
Hoy hoy. Baka naman isipin bakla ako. Babae ako mga lintek kayo. Ewan ko ba sa kapatid kong 'to at ang lakas nanaman ng tama.
"Ha. Ha. Nakakatawa ka talaga Kuya. Laking pasalamat ko at di ako nagmana sayo." sabi ko habang nagliligpit.
"Whatever Max. Pangit ka pa din. Hahaha." sagot niya at umakyat na.
Ha? Ano daw? Tss. May saltik talaga tong kapatid ko. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Substitute Teacher
HumorShe's a 3rd year student and he's a professor. And they become lovey dovey. HALA! Bawal yun ah!