Walang "Tayo".

298 7 0
                                    

I love you.

 

I love you too..

Paasa ka. Paasa ka talaga, Ginny. Pero siguro nga hindi. Oo, Hindi ka nga paasa. Umaasa lang talaga ako na posibleng mangyari na maging totoo lahat ng to. Simula ng makilala kita, maging kaibigan kita at maging "tayo". Tayo pero walang commitment. Ang labo mo, sobrang labo. Tinanong kita kung papayag kang maging girlfriend ko sabi mo wag, mas okay na walang commitment. Siyempre papayag ako, Tangina kesa naman sa hindi yung sagot mo. Umaasa ako na totoo ng maging tayo, yung committed, yung totoong Mag Boyfriend-Girlfriend.

 ...

"Cal shot mo na."

 ...

I love you too. Gaano ba kahirap sabihin yun Ginny? na mahal mo rin ako at totoong tayo na? Mahirap ba talaga o natatakot ka lang? Takot.. di ba di mo alam yung salitang yun dahil matapang ka.. Di ba nga nung araw natin bilang unofficial na magbfgf ikaw pa humawak sa kamay ko pagpasok natin ng school. Hinatak mo ko dahil madaling-madali ka na dahil late na tayo sa klase natin at hindi lang yun di ka nahihiya gawin palagi yun sa harap ng maraming tao.

... 

"Calvin, itanong mo nga diyan kay ginny kung kaya niya pa? Maglalaro pa tayong Truth or Dare" tanong ni jad.

"Gin.. Babe, Kaya mo pa ba?" tanong ko kay ginny

"Babe...sexy.. kaya ko pa." sagot mo.

 ...

Babe.. yan ang tawagan natin sa isa't-isa. Tapos yung 'sexy' naaalala mo pa ba? After ng masakit na pagkatalo namin sa basketball nun dumiretso ako agad sa kotse tapos kinausap mo ko.

 

"Cal, may next year pa naman, babawi ka naman di ba?" sabi mo sa akin.

"Gin,  di mo alam kasi hindi naman ikaw yung naglaro." sabi ko.

Sumandal ka sa akin at sabi mo "Babe.. alam ko naman yun eh. May next year pa tsaka ang importante ginawa mo best mo. At tsaka kahit na manalo o matalo ikaw parin ang i-checheer ko. Ikaw parin pinakamagaling para sa akin."

Ang simple ng sinabi mo pero napasaya ako.

"Oh ayan, ang gwapo mo pag ngumingiti ka. Magpalit ka na nga ng suot mo" Hinubad ko yung Jersey ko at inabot ko sayo. "Sayo nalang yan, remembrance."

"Pinagpawisan mo na to eh" sabi mo. "Labhan mo nalang, tsaka mabango naman pawis ko no." ngumiti ka at tinignan mo ko.

"Ang sexy mo naman!" sabay kurot sa tagiliran ko. "Thank you, sexy." sabi mo.

Walang "Tayo".Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon