Script: KABANATA 3 ANG MGA ALAMAT sa el filibusterismo

29.4K 24 5
                                    

Tapos na ang mainit na pag tatalo nang batiin ni padre florentino ang mga nasa itaas ng kubyerta.Naakit sila marahil sila marahil ng mga magagandang tanawin sa bayan ng pasig. Masasaya silang nagtutuksuhan.Ang laman ng kanilang usapan ay ang unti-unting pagtatanong ng mga Indiyo ukol sa mga bayad sa binyag at paghingi ng taripa.Ipinahayag ni Pari Sibyla na siya ay sunud-sunuran na lamang at kahit na magkano ang ibayad sa kanya ay hindi na siya kumikibo.

(tawanan. Entrance padre florentino, bati)

Padre Sibyla: (habang tumatawa) Masamang panahon! Masamang panahon!

Padre Irene: Hindi naman! Huwag ninyong sabihin ‘yan… Sa Hong Kong, naisasagawa ninyo nang maayos ang inyong mga gawain! Nakapagpapatayo pa nga kayo ng gusali eh… Doon ‘yon!

Padre Sibyla: Tingnan ninyo! Hindi ninyo nakikita ang aming mga gastusin. Ang mga nangungupahan sa aming mga biyenes ay nag-uumpisa nang magreklamo.

Padre Camorra: (masayang sasabat) Huwag na! Tama na ang pagdaing ninyo kung hindi ay mananangis ako. Nagsisimula nang dumaning ang mga indiyo. Tignan ninyo, gusto na nila ngayon banggitin ko ang mga halaga na itinakda ng arsobispo na si Don Basilio Sanchez upang hindi na tumaas ang presyo ng bilihin.

(aakyat si simoun)

Nang sandaling iyon dumating si simoun na kaagad namag tinanong ni Don Custodio,na kaipala ay nakalimot na sa kanilang pagtatalo

Don Custodio: “ Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!”

Kapitan: (sisingit) mga alamat!? Mayaman ang ilog pasig diyan… mayroong alamat ng “malapad na bato”. Ito’y tungkol sa isang bato na sinasabing sagrado dahil tahanan daw ito ng mga espirito. Pero nawala rin ang paniniwala na banal ang bato kaya ginawa itong kanlungan ng mga tulisan at bandido. Mula sa tuktok ng bato, madali nilang nahaharang ang mga dumadaan. Lumipas ang panahon, nagpatuloy ang kwento tungkol sa mga tumataob na bangka… Mayroon pang ibang alamat… tulad ng alamat ni donya Geronima. Di ba padre florentino? Maari mo bang ilahad ito sa amin?

Padre Florentino: Naku! Wag na. Alam na yan ng buong mundo… (Tinginan sina Simoun, Ben Zayb, Padre Irene at Padre Camorra)

Simoun: paumanhin.. pero di po namin alam ang alamat na yan. (kukulitin si padre florentino na ikwento na)

Padre Florentino: (Sigh) sige na nga… dati raw may isang estudyante na nangakong magpakasal sa isang dalaga sa kanilang nayon, ngunit nakalimutan niya ito. Dahil sa tapat ang dalaga ay naghintay siya para sa lalaki… lumipas ang panahon at inaksaya niya ang kanyang kabataan sa paghihintay.

Ben Zayb: anong nangyari sa lalaking nangako sa kanya?

Padre Florentino: ayun! Nabalitaan na lang ng dalaga na naging arsobispo na ang kanyang minamahal sa Maynila… dahil dito, nagdamit ng panlalaki ang babae at pumunta sa maynila para hanapin ang lalaki. Nagpakilala siya dito upang hinging tuparin ang pangako niya sa kanya. Imposible ang hiling na ito, kaya nagpatayo ang arsobispo ng isang kweba kung saan maninirahan ang babae. Sa kwebang ito namatay at inilibing si Donya Geronima. Ayon sa kwento dahil sa sobrang katabaan ni donya geronima kailangan niyang pumasok ng patagilid sa kweba sumikat siya bilang engkantada dahil sa kaugalian niyang pagtatapon ng pilak na plato. Isang lambat ang hinahatak sa ilalim ng tubig na nakakasalo sa mga nahugasang  kagamitan. Dalawang taon na ang nakalipas at nabubura na ang alaala ng mga indiyo kay donya geronima.

Ben Zayb: ABA! Isang magandang alamat yan ha? Gagawa ako ng artikulo tungkol diyan.

(sasabat sana si Donya Victorina ngunit naputol siya ni Simoun)

Donya Vitoria : gusto kong….

Simoun: Ano ang masasabi ninyo, Padre Salvi? Sa tingin ninyo, tama ba na binigyan ng arsobispo ang babae ng kweba? Hindi ba’t mas mabuti kung sa beateryo na lang siya dinala? Halimbawa… (mag-iisip kunwari) sa Santa Clara? (padre sibyla & padre salvi na-shock)

Simoun: Dahil hindi isang asal maginoo ang pagbibigay ng isang kweba upang matirahan ng isang taong binigo natin ang pag asa. Mas marangal kung siya’y dinala sa beateryo ng Santa Clara. Anong masasabi ninyo?

Padre Salvi: Hindi ko maaring husgahan ang inasal ng arsobispo. Simoun: Ngunit kayo na panrelihiyong gobernador ng simbahan na siyang tumatayo sa lugar ng arsobispo, ano ang maari niyong ginawa kung nangyari sa inyo ‘yon? (Nagkibit balikat si Padre Salvi at kalmadong tumugon)

Padre Salvi: Walang katumbas ang sakit ng pagninilay… Ngunit dahil mga alamat ang pinag uusapan natin, huwag natin kalimutan ang himala ni San Nicolas! ikukwento ko ito kay Señor Simoun na maaring hindi ito alam.

Ben Zayb: sige nga ito’y ikwento ninyo.

Padre Salvi: dati, ang ilog ay puno ng mga buwayang sobrang laki na nagpapataob sa mga bangka sa pamamagitan ng pagpalo ng kanilang buntot. Isang araw may isang taksil na intsik, na tumagging maging kristiyano, ang dumaan sa may simbahan ngunit may nagpakita sa kanyang demonyo sa anyong buwaya at tinaob ang kanyang bangka upang lamunin siyaat dalhin sa impyerno. Inspirado marahil ng Diyos ang intsik sa mga oras na iyon kaya’t humingi siya ng tulong kay San Nicolas at sa isang iglap ay naging bato ang buwaya. Sinasabi ng mga nakakatanda na sa panahon nila ay madaling makilala ang halimaw sa mga nakasabog na piraso ng bato na naiwan doon. Ako mismo ay nakasisiguro sa inyo na kaya ko paring makilala ng malinaw ang ulo ng buwaya. At kung titignan iyon napakalaki ng halimaw.

Ben Zayb: ( tinig pang propesor at ang hintuturo niya ay gumuguhit ng mga bilog sa hangin) Nakamamangha-nakamamanghang alamat. Npakagandang batayan para sa isang artikulo. Ang mga katangian ng halimaw, ang tubig ng ilog, ang mga palumpon ng damo…mainam na paksa sa pag-aaral ng relihiyon. Kakatwa ang intsik na nakahingi ng tulong sa kalagitnaan ng panganib sa isang santong nadinig niya lamang sa iba at hindi niya pinaniniwalaan. (Napatingin si Ben Zayb kay Simoun na mukhang nag aalala tpos tatanungin kung ano ang iniisip nito)

Simoun: (seryoso sa pagsasalita tpos ung hintuturo nkapatong sa noo) tungkol sa dalawang mahahalagang bagay, dalawang katanungan na maaari ninyong isama sa inyong artikulo. Una, anong maaaring nangyari sa demonyo pagkakita nito sa sarili na bigla na lamang nakulong sa isang bato? Tumakas ba siya? Nanatili ba siya doon? At ikalawa, maaari bang ang mga pinatigas na hayop na aking nakita sa iba’t ibang museo sa Europa ay mga biktima ng isang makalumang santo?

Padre Camorra: (sisingit sa paguusap) Sinong nakakaalam? Sinong nakakaalam?

Padre Sibyla: Tutal ay mga alamat ang ating pinaguusapan, tayo ay pumasok sa lawa. (desribe ang lawa at bundok namadadaanan )

Ben Zayb: Siya nga pala kapitan, alam ba ninyo kung sang bahagi ng lawa namatay ang isang nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra? (lahat titingin sa kapitan except simoun na parang may hinahanap dun sa mga baybayin)

Doña Victorina: Ay oo! Saan kapitan? Maari bang may naiwang mga bakas sa katubigan? (napakurap ang kapitan, nayamot, ngunit nagpakita ng pagsusumamo ang mata ng lahat, nagpatuloy sa paglalayag at tumingin sa baybayin)

Kapitan: (nananakot & siniguradong walang nakikinig na iba) Tumingin kayo roon, ayon sa naghanda ng pagtugis, nang mapagtanto ni Ibarra na napapalibutan na siya ng mga guardia ay tumalon siya mula sa bangka malapit sa kinabutasan. Pagkatapos ay lumangoy siya ng distansiyang mahigit sa dalawang milya; pinauulunan siya ng bala sa tuwing aangat ang ulo sa paghinga. Sa mas malayo pa ay nawala na ito sa paningin ng mga tumutugis at sa kaunti pang distansiya, malapit sa baybayin, nakita nila ang tubig na nagkulay dugo na. Ngayon ay eksaktong labintatlong taon na ang nakalipas nang maganap iyon.

Ben Zayb: at ang bangkay niya?

Padre Sibyla: kasama ng kanyang ama, hindi ba’t isa rin siyang Pilibustero, isang rebelde, Padre Salvi?

Ben Zayb: Iyan ay talagang walang kwentang libing, hindi ba Padre Camorra?

Padre Salvi: (habang tumatawa)lagi kong napapatunayang ‘yang mga rebelde ang siyang hindi nagbabayad ng marangyang libing.

Ben Zayb: (nakita si simoun na walang imik at malalim ang iniisip) Ano’ng problema, Señor Simoun? Nakakaramdam ba kayo ng pagkahilo? Kayo na isang beteranong manlalakbay, at ditto pa sa ilog na ito na tulad lamang ng isang patak ng tubig?

Kapitan: (huminto sa pagmamasid ng tanawin) Kung ganoon, hayaan ninyong sabihin ko sa inyo, hindi ba’t tinatawag mo itong isang patak ng tubig lamang? Nagkakamali kayo sapangkat ang lawang ito ay mas malaki pa sa anumang lawa sa Switzerland at sa pinagsama-samang lawa sa Europa. Ang pag lalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin Marami na akong nakitang marinerong nahi-hilo rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Script: KABANATA 3 ANG MGA ALAMAT sa el filibusterismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon