Nagsimula sa eskwelahan, nagkakilala, naging magkaibigan, nag-ibigan, at nahantong sa ligawan. Sinagot at nagpakasaya, then KABOOM!! Happily ever after na.
Yan ang klase ng love story na gustong maranasan ng mga kababaihan... unfortunately kasama na ako dun. Hindi naman sa excited akong magkaboyfriend .. gusto ko lang talaga maranasan ang feeling na may nagbabantay sayo, nagpapakilig, at nagpupunas ng pawis mo... in short NOBYO!
May nanliligaw rin naman sa akin. sa ganda ko ba namang to..lahat napapaluhod. Charaught!!.... sorry pero .wala eh. Hanggang pagbabasa ng ebook , at pagpapantasya ng mga hotties lang ang kaya ko... sa madaling salita...HOPELESS ROMANTIC inyong lola.
pero akalain mo nga naman...tumalab yung charms ko....isang... well...he's not that cute and handsome.. pero pwede na.
*FLASHBACK*
2ND YEAR HIGHSCHOOL
yow! yow ! wats up friendsters?? joenalyn here... secret lang ang last name ko.. para thrilling.
" joe!! si eugene oh!"
yan na naman ang line na yan... palagi na lang.. nakakain ba si eugene?
" ewan ko sayo!"
"sus pakipot ka pa. Kayo rin naman eh."
ano?? kame na?? bat di ko alam yun?
char!! PAANO NILA NALAMAN??
" pinagsasabi mo?"
"pssh... kahit kailan talaga...bahala na kayo diyan.. mag usap kayo."
paksheet na malagkit!! iwan ba naman ako kay eugene??... teka may kasalanan pa pala ang mokong na to
"hoy eugene!! sinabi mo ba sa kanila??"
"ha?..ahh..ehh..oo eh..nadulas ako... sorry.."
"tss."
"joe.. sorry na."
" oo na... you're forgiven."
wow! englisherang froglet... bahala na.. mahal ko eh.
~chapel~
Habang si pastor ay naglelesson... hindi ako nakikinig .. kinikilig ako eh... ngayon na lang ulit ako nakaranas ng magkaboyfriend...ang saya. =)
" TRUE LOVE WAITS."
ANO daw??
" dapat lahat kayo mangako na hindi muna makikipag boyfriend hanggat hindi pa nakakatapos ng college."
bakit??kung kailan masaya na ako. Paano na to? Paano na si eugene? Paano na ang mahal ko?
Iiwan ko na lang ba sya o ipaglalaban ko??
------------------
-------------------
---------------------
"hello eug...sorry..pero..BREAK NA TAYO."
Binaba ko na agad yung telepono... ayokong umiyak pero hindi ko talaga mapigilan.
Kailangan ko siyang bitawan.. siguro hindi siya ang nakalaan para sa akin..
siguro hindi kami para sa isat isa.
-MONDAY-
kinuha ko agad yung cellphone ko..
"joe kita tayo mamaya..usap tayo."
Eug tama na please... ayaw kong masaktan ka..
hindi ako nagreply..ayaw kong sabihin sa kanya yung dahilan...nahihiya ako.
Ilang araw , linggo, buwan ,at taon na rin ang nakalipas, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya yung dahilan... palagi na lang akong umiiwas... naguusap naman kami pero pag ino-open topic niya yun.. hindi na ako nagsasalita o di kaya palagi kong sinasabi.." CR lang ako."
* END OF FLASHBACK*
At ngayong fourth year na ako.. aminin ko may feelings pa ako sa kanya.. hindi naman maiiwasan yun eh.. pero ang mas masakit ... may iba na siya.. ganun ba talga ka dali makalimot ang mga lalake? hindi naman ako nagsisi dahil hindi ko sinabi ang dahilan sa kanya.. pero bat ganun??
Isang araw nga umiyak ako.. hindi ko napigilan.. naaawa ako kay eugene.
Sorry dahil hindi ko masasabi ang dahilan...
at isa pa .. may mahal ka nang iba...
Isa lang ang masasabi ko..
HINDI NGA SIGURO KAMI PARA SA ISAT ISA.
-------------------
-------------------
~ HIS POV~
Mahal ko naman siya eh... kaya ko siyang hintayin...kung sinabi niya lang ng mas maaga..hindi ako makakakita ng iba... hinintay ko siya.
Mahal ko naman ang bago ko.. pero hindi talaga maiiwasan na sabihing mahal ko pa rin siya.
Masakit sa akin hindi dahil hindi niya ako ipinaglaban... kundi dahil hindi niya agad sinabi yung dahilan...
sa iba ko pa nalaman..
Minahal kita pero siya minamahal ko pa...
at siguro habang buhay na.
Isa lang ang masasabi ko..
HINDI NGA SIGURO KAMI PARA SA ISAT ISA.
--------------------
-------------------
--------------------
Hindi lahat ng love story natin happy ending..
pero kaya nating gawin yun na HAPPY hanggang ENDING.
At hindi lahat ng nauna nating nakilala.. ay siya na.
hindi palaging tama ang 'FIRST COME FIRST SERVE'
maaaring na stock si DA ONE sa traffic kaya na late.
huwag nating habulin ang nakatadhana sa atin..
hayaan natin silang humanap sa tamang tao.
Maaaring kumaliwa siya at pumunta sa iba..
pero malay mo... baka nag u-turn siya at bumalik sayo.
LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAY nga talaga..
hindi natin malalaman kung saan siya patungo at kung saan siya hihinto..
YOU ARE READING
The unpridectable way of love
Teen FictionFriendship, heartbreaks, challenges and love. there will always be EVERYWAY but not NO WAY. a compilation of stories which gives way for love and everything.