Chapter 1: Leaving on a JetPlane.

22 0 0
                                    

   

   Naghahanda ako ngayon sa  paglipat namin sa ibang bansa, kahit ayaw ko ay kailangan ko parin sundin ang aking mga magulang.

No choice ako kundi sundin sila.

   Masakit sa akin iwan ang Pinas,halos simula pa lang nung bata ako ay dito na ako nakatira.At dito ko rin nakilala ang Love of my Life ko at ayaw ko siyang iwan.

“O Dave, ayos na ba ang iyong mga bagahe?" tanong ni daddy.

“Opo dad,tapos na po ako mag impake."  sagot ko.

“Kung gayon ay tara na at baka iwanan tayo nang ating flight."

Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay.

Habang nasa bahay kami ay hindi ako mapakali.Hindi pa kasi ako nakapag paalam sa kanya.

Habang tinatanaw ko ang daan na aming tinatahak ay nasilayan ko ang kanilang bahay, kaya dali dali kong pinahinto ang aming sasakyan.

“Manong, pakihinto muna ng sasakyan may pupuntahan lng ako sandali." sabi ko sa aming driver.

“Pero anak paghuminto pa tayo baka hindi na natin maabutan ang flight natin."nagtatakang sabi ni mommy.

Pero hindi na ako nakinig sa kanila at dali-daling tumakbo sa bahay nila Gemmy. Kailangan ko syang makita, kahit bago man lng ako umalis.

Pagdating ko sa tapat nang bahay nila ay agad akong kumatok,matagal pa bago may sumagot.

Nung bumukas yung pinto ay agad tumambad sa akin ang bagong gising na si Gemmy.

Agad ko syang niyakap na parang ayaw ko siyang mawala.Hindi ko kayang mawala sya.

Pero kailangan kong umalis, kailangan kong bumitaw.

Kumalas na ako sa yakap at hinarap siya sa akin.

“Gemmy....."panimula ko.

Kita ko ang pag-alala sa kanyang mukha.

Sino ba namang tao ang hindi mag-alala kung may kakatok sa pinto mo nang ganitong oras.Halos alas- tres pa lang nang umaga.

Kaya pinatuloy ko na ang sasabihin ko.

“Gemmy, alam mo kung gaano kita ka mahal diba? mahal na mahal kita Gemmy na kahit ang buhay ko kaya kong itaya para lang sayo." kita ko ang pag-tataka sa mukha niya kaya pinatuloy ko na ang aking sasabihin.

“Tandaan mo Gemmy na kahit anong mangyari ay ikaw lang ang mahal ko.Pero kailangan ko tong gawin ,kailangan kong umalis,kailangan kitang iwan..."kita kong may tumulong luha sa kanyang mata.Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

“Bablik ka rin naman diba? Hindi ka rin naman tatagal diba? Hihintayin kita.Maghihintay ako, kahit ilang araw,isang linggo kakayanin ko.Babalik ka rin naman diba? diba Dave? Babalik ka agad?."

Nagsimula na syang umiyak sa harapan ko.

Pinipigilan ko lng tumulo ang aking mga luha.Kailangan kong mag-pakatatag.

“Gemmy,hindi mo naiintidihan aalis ako at hindi ko alam kong makabalik pa ako o hindi.Ayokong mahirapan ka pa kayo ako na mismo ang tatapos sa relasyon natin."

Niyakap ko siya,kahit sa huling sandali lng.Ayaw ko pa sana siyang bitawan kaya lng kailangan ko nang umalis.

Kaya ako na ang unang bumitaw sa yakap namin at tiningnan siya sa mata.

Ayokong nakikita siyang malungkot bago ako umalis kaya.

“Gemmy ayokong nakikita kang malungkot bago ako umalis kay sana maging masaya ka at sana kalimutan mo na ko, at sana makita mo ang taong karapat dapat sayo,ang taong hindi ka iiwan."

Nakita ko siyang ngumiti nang konti,kahit alam kong pilit lng ito.

Tumalikod na ako,pero bago pa man ako makalayo ay narinig ko siyang sumigaw.

“Hindi Dave!Hihintayin kita kahit ilang taon!Hindi kita kakalimutan!mahal na mahal kita Dave!hindi ako aalis !hihintayin kita Dave!."

Liningon ko siya pero huli na, nakapasok na siya sa kanilang bahay.Kaya kahit malungkot ako ay nakangiti pa rin akong pumasok ng sasakyan.

“Manong tara na alis na tayo."sabi ko sa aming driver.

Habang nasa byahe ay binuksan ko yung radyo ng aming sasakyan.

         ♪♪Now the time has come              .        to leave you one more time ,

         

            let me kiss you, then close

            close your eyes,

           

              I'll be on my

        way.Dream about the days to

        come when I wont have to

        leave alone.

              About the time I wont have

         to say.

      ♪♪I'm leaving on a Jetplane

         dont know when I'll be back

        again .

        Oh babe I hate to go.♪♪♪

Para sa'yo Gemmy Babalik ako.

       

                 

Leaving on a Jetplane (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon