"I've told you this before. We can't be together. Neither in this lifetime nor the next. We just can't be." Kasabay ng pagbitaw ko sa mga salita ay siya ring pagtulo ng aking luha.
Marahan kong tinahak ang mahabang pasilyo ng gusaling iyon. Bawat hakbang ay mabibigat. Tila may pumipigil pa saakin at humihila pabalik sakaniya.
"Miave. P-please..."Halos papiyok na ang boses niya na nagmamakaawa. Mas lalong bumuhos ang luha ko kaya pinagdikit ko ang aking mga labi upang hindi makagawa ng ingay.
Gusto kong lumingon. Kahit isang beses pa. Kahit isang beses na lang. Pero hindi pwede. Hindi dapat.
Dahil baka pag lumingon pa ako pabalik, hindi na ako makawala sa kaniya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mas lalo pang mahalin siya.
"P-para po!" Agad kong tinawag ang isang napadaan na taxi at dali-daling sumakay roon.
Tuluyan ko nang binuhos lahat ng luha ko nang makapasok ako sa loob. Lahat ng sakit. Lahat ng nararamdaman.
Hindi ko na alam kung saan pa ako tutungo. Para ko nang nilisan ang nag-iisa kong tahanan kaya ngayon, hindi na ako pamilyar sa ibang lugar. Sinubukan kong kalkalin ang cellphone ko. Kahit nanlalabo ang mga mata at nanginginig ang mga kamay ay sinubukan kong tawagan si Jas.
"Hell------Miave? Anong nangyari? Ba't ka umiiiyak?" Dire-diretso niyang tanong nang marinig ang paghikbi ko.
"J-jas, Pa-book naman ako sa hotel oh? Yung sa Bonifacio lang. Kailangan lang kasi talaga eh. Pasensiya na sa abala ah. Salamat." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit nangangaragal na ito. Baka kung ano pang mapansin ni Jas eh. Baka mag-alala pa yun.
"Ha? Oh sige. Teka ano ba nangyayari? Ba't ka ba umiiyak? Miave?" usisa niya.
"Kwento ko sayo bukas jas. Sige ibababa ko na to. Ingat ka ha."
"Oh? Sige ikaw rin. Send ko na lang pag naka-book na ako. Ingat ka lalo."
Agad ko nang ibinaba ang tawag at pinikit ang mata ko. I'm exhausted. Hindi ko alam kug bakit napagod ako gayong halos wala naman akong ginawa buong araw. Basta gusto ko lang muna sa ngayon ay ang makapagpahinga.
Maya-maya pa ay na-recieve ko ang text ni Jas kung saang hotel siya nagpa-book. Sinabi ko sa driver kung saan ito at madali naman kaming naka-punta doon.
Nang makababa ako ay dire-diretso na ang pasok ko sa Reception at may nag-assist naman agad saakin. Pinakita ko ang I.D. ko at agad naman akong binigyan ng susi at Itinuro sa elevator.
"Enjoy your stay Ma'am." Masiglang pamamaalam saakin ng receptionist.
Matamlay ko siyang nginitian at nakita kong medyo nalungkot rin siya dahil sa pagbabago ng ekspresyon niya bago sumara ang pinto ng elevator. Nahawa rin ata siya sa kalungkutan ko.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa kwarto. Masyado na ba akong maraming iniiisip kaya hindi ko na matandaan ang mga ginagawa ko?
Nagtanggal muna ako ng sapatos at pangitaas na damit bago humiga sa kama.
Sa pagdama ko sa malambot na higaan ay tsaka dire-diretso mmuling nagsibagsakan ang aking mga luha. Hindi ko alam kung kailan titigil to. Hindi ko nga alam kung titigil pa.
Kasabay ng pag-agos ng aking luha ay siya ring pagbuhos ng mga ala-ala. Kung saan kami unang nagkita. Kung bakit pakami nagkita.
At sa pagbalik ng mga ala-ala ay ang pagbagsak ng aking mata at nilamon na rin ako ng pagod.