Chapter 1 - The School Days

2 0 0
                                    

Ito ang kauna-unahang araw ni Jake sa hayskul. Siya ay kinakabahan habang pumapasok ang kanyang mga kaklase sa classroom, biglang huminto ang kanyang oras nang makita niya ang isang babae na maganda, maputi, kulot ang buhok, at maamong mukha. Nabighani si Jake sa kagandahan nito at ang babae ay umupo sa kanyang tabi, dahil sa naubusan na ito ng mauupuan kaya sa tabi nalang ni Jake umupo ang babae. Dumating na ang kanilang professor.

Ma'am Pia: GoodMorning class ako si Ma'am Pia, ang magiging adviser niyo, sisimulan natin ang pagpapakilala sa pamamagitan ng paghahanap ng kapares para malaman ang mga personal background niyo sa isa't-isa. 

Naghanap ng kapares si Jake at paglingon niya sa kanyang kaliwang tabi nagkatitigan sila ng babaeng maganda, napangiti ang dalawa sa titigan nila kaya naman sila na ang naging magkapares. Nakilala ni Jake ang magandang babae na nag-ngangalang Grace, masaya si Jake dahil nagkaroon sya ng isang bagong kaibigan na makakasama niya sa bawat araw na papasok sya.

Isang araw habang may pinapagawa ang kanilang professor sa klase, mayroong dalawang pasaway na nais pagtripan si Jake. Babatukan nila si Jake at magkukunwaring hindi sila ang gumawa nun sa likuran, hindi nila alam na malakas ang pandama ni Jake dahil naiiba sya sa isang pangkaraniwang tao. Bago pa umabot ang pambabatok ng pasaway, nasense ni Jake ang paparating na kamay sa kanyang likuran at hinarang niya agad ang kanyang braso para hindi sya mabatukan at sinabi habang hindi nakatingin sa dalawa. 

Jake: Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Sa akala nyo ba magagawa nyo ang gusto nyong gawin sakin? Ayoko kayong saktan, kaya kung ako sa inyo hindi ako manggugulo.

 Nagulat ang dalawa sa ipinakita ni Jake at si Grace na namangha sa nakita. Matapos ang kanilang gawain, nagkaroon sila ng graded recitation base sa kanilang nalalaman, unang tinawag si Jake at nasagot ang isang calculus problem na itinanong sa kanya. Humanga ang professor ni Jake.

 Ma'am Pia: Magaling ka Jake! maaaring ikaw ang manguna sa klase. 

Napangiti nalang ang mga mata ni Jake at mas lalong humanga si Grace sa ipinamalas na katalinuhan ni Jake sa klase. 

Ilang araw na ang nakalipas isang bagong kaklase ang dumating at nagpakilala bilang si Marvin, siya ay isang misteryosong lalaki na tahimik at hindi nakikipag-usap sa kahit kanino. Matalino din sya gaya ni Jake ngunit naiiba ang kanyang ugali na tila laging seryoso sa lahat ng bagay. Lumapit si Jake kay Marvin at nakipagkilala.

Jake: Kumusta? Ako nga pala si Jake. Ikaw si Marvin tama ba?

Nanlilisik ang mga mata ni Marvin nang nakatitig kay Jake bago ito umalis. Dahil sa pagiging misteryoso netong si Marvin, mukhang na-attract na si Grace sa kanya. Hindi rin naman kasi nakapagtataka ang pagkamagandang lalake netong si Marvin kaya halos lahat ng babae sa kanilang paaralan ay pinapansin sya, pero wala naman syang pakialam sa mga ito at patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa. 

Habang sabay na naglalakad sina Jake at Grace pauwi sa kanila, nabunggo ni Grace si Marvin sa daan at biglang sinabi ni Marvin sa kanya.

Marvin: Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, babae!

Nasaktan si Grace sa sinabi ni Marvin na agad na ikinaiyak ng babae, hindi ito pinalampas ni Jake kaya naman agad niyang kwinelyuhan si Marvin.

Jake: Ano bang problema mo?! Hindi naman sinasadya ni Grace na banggain ka ah?!

Lumapit si Marvin at inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ni Jake at binulong

Marvin: Nalalapit na ang katapusan mo anghel na tagapagligtas.

Agad na umalis si Marvin habang si Jake ay nakaramdam ng takot at kaba sa bulong ni Marvin sa kanya, natulala sya habang iniisip kung sino ang taong iyon at kung paano nito nakilala ang kanyang tunay na pagkatao. Niyakap ni Jake si Grace na umiiyak upang patahanin ito.

Sa kabanatang ito pinapakita dito ang mga kakayahan ni Jake at ang kanyang bagong kaibigang babae na si Grace kasabay naman nito ang paglabas ng isang misteryosong lalaki na nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao.

SINO KAYA ANG MISTERYOSONG LALAKENG IYON AT ANO ANG MAGIGING PAPEL NIYA SA BUHAY NI JAKE? ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel Heart - The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now