Childhood Love

207 7 9
                                    

*PAAAAAKKKK!*

Putspa.

Ganto ba talaga ka-miserable ang buhay ko? Yung ibang story maayos ang umpisa ah? Ba't yung sakin batok agad?! #MedyoBrutal.

Sinamaan ko ng tingin ang magaling kong bestfriend habang hinihimas yung part ng precious head ko na dinungisan ng sinful hand niya. Tsk.

"Problema mo ba, ha Emilia?!"

Pinaningkitan niya 'ko ng mata. Uh-oh.

"Una sa lahat, ikaw ang problema ko babaita ka! Kanina pa 'ko kwento ng kwento dito tapos ikaw, ano?! Tulaley! Alam mo yung nandito ka physically pero yang utak mo naglalakbay sa kung saan?! HashtagMuntanga e!"

"Eh----"

"Pangalawa, wag na wag mo 'kong matawag na Emilia! I'm Emz. Got that?!"

"Oo nalang friend. Tss."

Alangan naman kumontra pa ko right? Wala din namang mangyayari. Eh sa ayaw niya sa full name niya e. *roll eyes*

"Eh ba't ba kasi hindi mo itali ng lubid yang kaluluwa mo para naman di naglalakbay? Kinabog pa si Dora'ng Lakwachera!" Pagkatapos ay eksaherada niyang kinampay yung dalawang kamay niya.

-______-

"Korni mo! Tss. Para namang di mo alam kung bakit dibuuuuhhh?"

Inirapan niya lang ako.

"So dahil pa rin diyan sa childhood love na pinu-push mo nung kinder?! Mygosh gurrrrl! Pinoproblema mo pa rin yun until now? Move-on din pag may time."

"Eh sa nami-miss ko na siya e, bakit ba?" Kainis. Pinaalala pa. Joke! Kahit naman di niya sabihin at ipaalala siya pa rin nasa isip ko e. Haaaaays!

"Eh kasi naman friend, baliw na baliw ka sa kakaisip sa past niyo--- kung meron man."

Sinamaan ko siya ng tingin.

Ako: +_____+

Emilia: ^_______^V

Loko 'to ah! Anong akala niya sakin, ilusyonada?!

Bakit hindi ba?

Di naman talaga ah! Talaga namang may something samin dati... diba?

Haaaayyyssss. Ang saklap naman kasi ng sitwasyon ko e. Bakit ba kasi ganito? Bakit di ko matandaan yung surname niya? E di sana na-search ko na siya sa fb, twitter, instagram, ask.fm, wattpad, friendster. De joke. Wala na atang friendster e, diba? 

Frustrated kong ginulo yung oh-so-silky kong buhok. Kainis!

"Ay te! Ice ka lang? Anong kabaliwan yan? Muntanga talaga neto." Sinamaan ko ng tingin si Emilia. Basag trip 'to e.

"Ako Emilia tigilan mo ko ha? Masasapok kita!" Pagbabanta ko pero dinilaan lang ako ng bruha.

"E kasi naman friend, wag ka ng magpaka-stress diyan sa childhood love kuno mo. Sabi mo nga diba? Di mo matandaan yung apelyido dahil matagal na panahon na simula nung magkita kayo? Tanging pangalan lang niya yung natatandaan mo, e anong mapapala mo dyan? Madaming Jerson sa earth no."

Inirapan ko nalang siya kahit alam kong may point siya.

*sigh* Kelan ba kasi kita makikita?

++

"Apple!" Tinaasan ko ng kilay ang classmate kong si Cheska, ang dakilang chismosa. Joke! Pero totoo, lahat na ata ng chismis alam niyan. Kahit yata gano kaliit na bagay inaalam may mai-kwento lang. =____________=

Childhood Love [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon