Hihintayin kita.

134 0 0
                                    

This story was written by me and my groupmates for a project in Filipino. I just wanted to share this to all of you. :) 

Genre: Tragedy, Short story, Romance. 

ALL RIGHTS RESERVED. 2012.

(PS: Sorry kung boring yung format nung pagkakatype sa story, kailangan kasi formal eh.)

------

Sabi nga nila, ang buhay ay parang isang gulong. Kahit anong mangyari, iikot at iikot ka. Hindi pwede na na lagi ka na lang nasa taas. May mga pagkakataon na bababa at malulugmok ka. Baba at taas, kagandahan at kapangitan, kahirapan at kasaganahan, swerte at malas, mararanasan mo din 'yan. Timing timing lang.

"Huy, okay ka lang ba?" tanong ni David. Bigla akong nainsulto sa tanong niya. Nandito kami ngayon sa burol ni Nanay habang si Tatay at si ate nasa ospital. Comatose si ate, si tatay unconscious pa lang. Si Kuya, nakabuntis. Si bunso, hindi tumigil sa kaiiyak. Ako, mag-isang hinaharap ang lahat ng 'to. Kaya  oo naman! Sobrang okay na okay lang ako. "Anne, okay ka lang?" tanong niya ulit. Siguro mga pang labing-apat na tanong na niya 'yan simula kaninang umaga. "Oo, David, okay lang ako." Sagot ko sa kanya na tumatango tango pa. Akala ko nga pagkatapos kong sumagot, tatahimik na siya. Hindi pa pala, bigla siyang nagsalita, "Halatang halata ngang ayos ka lang." tapos inabutan niya ako ng panyo. Tinaas ko ang kilay ko na parang nagtatanong na, 'para saan to?'. Hindi siya sumagot  pero kinuha niya ang panyong ibinigay niya kanina at idinampi ito sa mga pisngi ko. "Sa susunod na magpanggap kang ayos ka lang, wag kang mag-iiwan ng ebidensya", sabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako. Sa sobrang manhid ko na ata, pati sarili kong luha, di ko na magawang maramdaman. "A-Ah, ayos lang ako. Wala lang 'yan", sagot ko sa kanya.  Narinig ko siyang nag buntong-hininga, "Alam mo Anne, pwede mo naman akong pagsabihan ng nararamdaman mo eh. Kahit iyakan mo pa ako, ayos lang. Gusto mo nga, gawin mo pang tissue 'tong damit ko". Nagulat ako sa sinabi niya na ang nasabi ko na lang ay, "Sira!" tapos tumawa siya ng pilit at nagsalita muli, "Seryoso na, Anne. Eto na lang maitutulong ko sa'yo bilang bestfriend mo. Gagaan loob mo pag-nasabi mo nang lahat. Wag mong kimkimin lahat ng problema mo dahil nandito naman ako oh. Pwede mo naman akong sabihan ng problema." Dahil sa sinabi niya, nanlambot ako bigla. Mali pala yung dati kong akala na ako na lang ang mag-isa. Na wala na akong kasama. Na pinagkaisahan na ako ng tadhana. Andyan naman si David. Aray, teka. Sumakit bigla yung dibdib ko.  

"Alam mo bang kasalanan ko rin naman lahat na nangyayari sakin? Ako.. Ako yung dahilan nitong lahat.." panimula ko, "kaya naospital si Tatay at si Ate ay dahil naaksidente sila dahil sa sobrang lakas ng ulan nung gabing nagpasundo ako galing sa eskwela. Kung sana, nag jeep na lang ako o kaya naman nag-taxi o kaya naman naglakad na lang ako pauwi. Para saan pa't naimbento ang payong? hindi na sana mangyayari 'yun sa kanila." Pinagpapalo ko ang sarili ko. Ewan, siguro ito na din yung ginagawa kong paraan para saktan din ang sarili ko. Kasi guilty ako. Guilty ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Tinignan ko si David, tahimik lang siyang nakikinig kaya pinagpatuloy ko na yung sinasabi ko. "Ayan, si Kuya! Nakabuntis pa. Kung hindi sana kami nag-away dahil sa sobrang liit na bagay, hindi sana siya mag-lalayas at makakabuntis. At alam mo, kung hindi siya nakabuntis, buhay pa sana ang Nanay ngayon. Kaya inatake si nanay ay dahil nalaman niya ang nangyari kay Kuya. Si Bunso naman, simula ng mamatay si nanay nung isang linggo, 'di na tumigil sa kaiiyak. Sana gumaling na kaagad si tatay at si ate, para naman kumalma ng konti si Bunso. Dahil kung hindi sila gumaling," kumatok ako ng tatlong beses sa kahoy na inuupuan namin, "di ko na alam gagawin ko." Tahimik pa rin si David, kaya nagsalita pa ako, "Alam mo, naisip ko na din na sundan si nanay, eh. Kaso naisip ko, sino magbabantay sa ospital kina Ate at Tatay? Kay Bunso, sino mag-aalaga? Sino ang magbabayad ng  nagastos sa ospital, sa burol ni nanay at sa pagpapaaral kay bunso? Kung mamamatay ako, baka may mangyaring masama sa kanila.. At hindi yun kaya ng kunsensensya ko."

Hihintayin kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon