Panibagong Yugto

1 0 0
                                    

3 years later..

Aireen Ryle Dela Fuente. O mas kilalang Ryle. Matapos ang tatlong taon na pamamalagi sa Canada ay naisipan niya ring umuwi na sa Pilipinas upang doon tapusin ang kanyang kursong Business Administration. Ayaw niya pa sanang umuwi sa pilipinas ngunit kinakailangan na syang ipakilala sa kanyang pagmamayaring kumpanya bilang CEO nito. Sa tagal ng panahon niyang pinatatakbo ito ay hindi siya humarap sa kahit sinong empleyado doon dahil sa isang dahilan. Pero ngayon ay kinakailangan na niya lumantad sa kadahilanang mayroong umaarteng impostora sakanya. Kung kaya nmn ay pinagplanuhan niya na ito bago pa man siya umuwi.

Dialling...

"hello Boss"

"Felipe. Nandito na ko sa pilipinas. Simulan mo na."

"Opo boss masusunod"

End call...

Pagkatapos patayin ng tawag ay sumakay na sya sa kanyang sundo. Inihilig niya ang kanyang ulo sa upuan at pumikit.

"Butler Lee. Sa opisina ang punta natin"

"Opo Maam" tugon ng kanyang butler.

Makalipas ang 30 minuto ay nasa opisina na sila. Bago sya bumaba ay chineck niya muna ang kanyang baril sa kanyang hita. At inayos ang kanyang dress na sasakto lamang ang haba upang matakpan ang baril na kanyang tinatago. Tumungo sya sa pinakamataas na palapag ng building na iyon at pumasok sa silid na pagtatrabahuan ng CEO ng kumpanya na walang iba kundi sya.

Umupo sya sa swivel chair inilabas ang kanyang telepono at nagbilang

"10"

Iniikot niya papatalikod ang kanyang kinauupuan at humarap sa napaka laking babasaging bintana ng kanyang opisina.

"9"

Hinagod niya ang hawakan ng kanyang upuan.

"8"

Hinagod niya pababa sa kanyang binti

"7"

Pabalik sa kanyang hita

"6"

Hanggang sa makapa niya ang baril

"5"

Kinuha niya ito papalabas

"4"

At nilagyan ng silencer

"3"

Pinunasan niya ito ng kaunti

"2"

At tinitigan.

"1"

Ringing.....

Tumunog ang kanyang cellphone at kanyang sinagot ito

"let her in"

Kasabay ng pagbaba ng tawag ay kanyang sinabi

"Youre dead" kasabay ng pagsilay ng kanyang ngisi.

Pumasok ang isang dalagang kaedaran niya

"Maam Ryle.." Gulat nitong sabi

Umikot lamang paharap si ryle kasabay ng pagkasa sa kanyang baril ay pagtutok niya sa dalaga.

"Well how are you Aileen."

Natutop nalamang ng dalaga ang kanyang bibig sa kaba ng dahil sa baril na nakatutok sakanya.

"Maam k-kelan ka pa d-dumating?"

"Why? Are you not happy?"

"h-hindi n-naman sa g-ganun maam. D-di l-lang kayo nagsabi n-na uuwi na po p-pala k-kayo"

"Why? Do i need to inform you everything? nagulat kaba?"

Napalunok nalamang ang dalaga.

"Well then." ani ni ryle ng may naglalarong ngisi sa mukha "Surprise" kasabay ng kanyang huling pagsasalita ay ang pagkalabit niya sa gatilyo ng kanyang baril.

Dialling....

"Boss"

"Clean the mess. Ill leave for now to take a rest."

"Opo Boss. Handa na rin yung mga pinahanda niyo po."

"Good. Ill call you for the signal."

"Yess boss."

End call....

At umalis na sya ng opisina nang walang kabakas bakas ng kung ano mang nangyari. Naibalik na rin niya ang kanyang baril sa kanyang hita.

Sa ngayon ang nasa isip lamang ni ryle ay ang kagustuhang magpahinga dahil pagod sya sa kanyang byahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon