Una

3 0 0
                                    

Three years ago, bago tayo unang nagkakilala, kaibigan ka ng girlfriend ko noon, lagi ka nyang pinagseselosan noon, laging ikaw ang napagaawayan namin hanggang sa dumating ang isang taon at maraming buwan, nagkahiwalay kami. di naman dahil sayo kung bakit kami nagkahiwalay, siguro nga kase wala nang "spark" na makikita saming dalawa.

Hanggang sa lumipat ka ng school kung san ako nagaaral, syempre natuwa ako kasi kaibigan kita eh, pero diko alam ikaw pala ang bubuo ulit sakin.

Lumaon ang ilang buwan uli, nagsimula akong mahulog saiyo. alam kong mali kase kaibigan ka ng ex ko.

Umamin ako sa chat, at akala ko ika'y lalayo. Pero ika'y lumapit at ako'y iyong sinalo. Madaming nagalit dahil sa "kagaguhang" ginawa ko. Sino nga ba ang papatol sa kaibigan ng ex mo?

Eya, kung alam mo lang kung gaano ako nagsisi hanggang ngayon. Pero dalawang beses na kitang naloko. Ayoko nang makita o malaman na umiiyak ka lang dahil sakin na isang gago.

MineWhere stories live. Discover now