Si Queenie, ang babaeng mahilig idaan sa joke ang mga bagay bagay. Halos lahat na lang dinadaan nya sa joke at banat. Akala ng mga taong nakapaligid sa kanya ay masaya pero deep down her pores (JOKE!) malungkot sya. Matalino at mabait pero palaban lalo na kung ang childhood bestfriend na nya ang pinag-uusapan.
Si Harry, ang lalakeng sobrang seryoso. Tanging si Queenie lamang ang nakakapagpasaya sa kanya pero madalas silang magtalo lalo na kung pag-ibig ang topic nila. Mayaman at mabait si Harry. Tulad ni Queenie, malungkot si Harry dahil never nyang nakasama ang kanyang Mommy.
JS Prom na! Magkaklase si Queenie at Harry kung kaya't alam ng mga kaklase nila na ang pipiliin ni Harry bilang kapartner nya ay si Queenie. Ngunit, isa sa classmate nila ay nagtangkang yayain si Queenie na sya ang maging partner nito.
Jason: Queenie, pwede ba kitang maging partner?
Queenie: Saan? Kelan?
Jason: Sa JS Prom natin, pwede ba?
Queenie: Ah e ano, uhm...
*Biglang dating ni Harry.
Harry: Uy pre, si Queenie na partner ko e. Diba Queenie?
Queenie: Ah e oo. Lagi naman. Hehehe
Harry: See bro? Sensya na :)
*Umalis na lang si Jason.
Harry: Oy may balak ka sigurong pumayag no?
Queenie: Sus wala no! Lagi naman tayo magkapartner sa lahat ng event e. Sanay na ako na ang partner ko e pinagsakluban ng langit at lupa! Hahaha
Harry: Loko! Hahaha
Matagal nang may lihim na pagtingin si Harry kay Queenie. Binabalak nya ngang ipagtapat ito sa mismong JS nila para good mood si Queenie. Dahil takot si Harry sa posibleng mangyari sa ipagtatapat nya, sinibukan nya munang itext si Queenie. Magpaparamdam muna sya.
Harry: Hi Queenie. ILY!
Queenie: :(
Harry: Oh bakit?
Queenie: Iiwan mo na ko? I'm Leaving You yun diba? :(
Harry: (nainis, dahil dinaan na naman ni Queenie sa joke ung text nya) ILY nga!
Queenie: Kelan alis mo?
Harry: Wala. Hindi ako aalis, kalimutan mo na yung text ko. Sige.
Sinubukan din nyang kausapin si Queenie nung nasa Canteen sila. Habang nakaupo si Queenie, sya na lang ang bumili ng imemeryenda nila. Bumili sya ng Skyflakes at softdrinks.
Harry: Uy oh (sabay abot nung pagkain). Patabi ha?
Queenie: Sige, salamat dito :)
Harry: Ahm, wala ka bang balak magboyfriend?
Queenie: Ha? Bat mo natanong?
Harry: Wala naman. Ano nga?
Queenie: Meron. Eh kaso ano. (hinawakan yung Skyflakes sabay sabing) Buti pa nga sa Skyflakes may namamagitan e. Hehe
Harry: Hahaha. Grabe! May crush ka no?
Queenie: Pano mo nalaman? Sinabi ko na ba sayo?
Harry: Hindi pa, o sabihin mo ngayon.
Queenie: Si ano. Si si si. Sa JS na lang! Hahaha
Harry: Ay naku, o sige.
Wala ng maisip na magandang way si Harry kung paano nya masasabi kay Queenie ang tunay na nararamdaman. Minabuti na lamang nya na sa JS na nga lang nya ipagtatapat ang nararamdaman nya.