I. THE BEGINNING

32 0 0
                                    

Mag isa akong naglalakad, tumitingin  sa paligid.

malinis, maganda at tila wala kang mararamdamang takot, tama! ako ay nasa paraiso

ang mga paru-paro ay dumadapong kusa sa aking mga kamay sa tuwing itataas ko ito

tumunghay ako sa isang batis, nilapitan ko ito, malinaw ang tubig ang mga isda ay malayang lumalangoy, nakita ko ang repleksyon ko sa tubig, ngumiti ako at masayang pinagmasdan ang sarili

napakunot ang aking noo ng mapansin ang aking suot, kulay puti na bestida, tumingin ako sa ibaba at napagtantong wala akong suot na tsinelas o kahit na ano

"ele, mabuti at nagbalik ka rito" nakarinig ako ng isang magandang boses, ang sarap sa pakiramdam dahilan ng paglingon ko sa aking gilid

may mga pakpak sya, maganda ang kanyang mukha at nakasuot ng bilog na bulaklak sa ulo, nakangiti sya sakin


"ito ba ay paraiso?" tanong ko

"sumama ka sakin ele at ipapakilala kita sa aming prinsipe" nakangiting sabi nya at nagsimula ng lumipad

ang mga paa ko ay kusang naglakad papalapit sa kanya, muli kong pinagmasdan ang aming mga nadadaanan, ang mga damo ay kulay luntian, ang nga bulaklak ay humahalimuyak

sa aming paglalakad, ay unti unti ko ng nakikita ang mga tao, ang mga bata ay masayang naghahabulan, at nagtataguan, may mga pakpak rin sila pero maliliit pa lang


"ele! ele!" habol sakin ng isang bata at agad akong niyakap

"hi" nasabi ko na lamang, nakayakap pa rin sya sakin

"mabuti at nagbalik ka dito samin" sabi nya, at halata ko sa kanyang kilos na ayaw nya na akong mawala


"crisa, bumalik ka na don at maglaro" sabi ng kasama kong may pakpak, nakangiti sya sa bata

"mga kasama si ele, nandito dali" tawag nya sa kanyang mga kasama

nakuha ni crisa ang kanilang atensyon, kaya sakin nakatingin ang mga bata, ang mga ngiti sa kanilang labi ay agad kong napansin

tumakbo sila papalapit sakin, at niyakap ako katulad ng ginawa ni crisa

"ele, namiss ka naming lahat" masayang sabi nung isa

"alam mo ba ele nung nawala ka sabi ni ali hindi ka na makakabalik" malungkot na sabi nya


"sabi kasi ni ele sakin dati, baka raw hindi na sya makabalik kaya yon sinabi ko" malungkot na sagot ni ali

"pero nagbalik sya, at kasama na natin sya ngayon" ngumiti ulit sila



"sige na mga bata, bumalik na kayo at hinahanap na si ele ng prinsipe" sabi ng diwatang kasama ko


"paalam ele! balik ka dito mamaya ha?" sabi ni crisa

ngumiti ako at tumango

"handa ka na ba?" nakangiting tanong sakin ng diwata



"handa saan?" takang tanong ko

"makita ang aming mundo" sabi nya at tumungo sa isang lugar at hinawi ang mga punong nakatanim

gumamit sya ng kapangyarihan para lumitaw ang daanan

biglang sumulpot ang napakalaking kaharian, sobrang lawak namangha ako sa aking nakita

"tara na ele" aya nya sa akin

kaya sumunod ako sa kanya

habang naglalakad ay may mga tao sa aking gilid, nakapila at tumutugtog ng trumpeta, sa akin lang sila nakatingin at tila ba pinaghandaan ang aking pagdating

may dalawa pang diwata ang sumalubong sa akin at pumunta sa aking gilid, sinuotan nila ako ng koronang bulaklak

naglakad kami hanggang marating namin ang harapan ng kaharian, kung saan may lalaking nakatalikod at hinihintay na makalapit ako sa kanya

sa aking palagay, sya ang prinsipe wala syang pakpak katulad ng mga nakikita ko

konti na lang ay malapit na ko sa kanya, papaharap na rin sya at hindi ko alam kung bakit hinihintay kong makita at masilayan ang kanyang mukha



"selena" narinig ko ng buo ang aking pangalan




bigla akong nagising, at napabalikwas ng bangon

BANGUNGOT, binangungot na naman ako

"anak naman, you always get up late kung hindi ka pa gigisingin, malelate ka na sa school mo" sabi ni mommy, tinignan ko lamang sya

"go ahead mommy, gagayak lang ako" sabi ko

"double time okay" sabi nya at umalis na sa aking kwarto

dumiretso ko sa aking banyo at tinignan ang sarili, hindi pa rin ako nakakarecover sa mga pangyayari

once a month lagi na lang ako nanaginip ng ganong pangyayari

yung prinsipeng sinasabi nila, hanggang ngayon ay di ko pa rin nakikita ang mukha

dun lagi natatapos ang panaginip ko

nasan ako? kakaiba ang mga tao, or should i say mga diwata


parang totoo lahat, pati ang mga bata


hay nako selena it just a dream, wag mo na pansinin, pagkukumbinsi ko sa aking sarili


gumayak na ko, at kumain na rin ng umagahan

"mommy, alis na ko" sigaw ko sa kanya at dumiretso na ako sa kotse ko


sumakay na ako at inistart ito, habang nagd'drive ay nag play aki ng random music


medyo malayo ang school samin siguro mga 15 minute of driving bago ko ito matahak, habang nag d'drive ay tumama na naman ang paningin ko sa tore na matagal ko ng nadadaan

mula pagkabata kasi ay lagi ko na itong nakikita, wala naman use yung tore na yon ayon sa mga pinagtatanungan ko

biglang tumaas ang mga balihibo ko ng makakita ko ng bata sa harapan ng tore kaya agad akong napapadyak sa preno, pero pagtingin ko ulit ay wala na ito

pamilyar ang mukha ng bata, parang nasa panaginio ko

hindi kaya, tama! crisa! crisa ang natatandaan kong pangalan, sya yon


bumaba ako ng kotse ko at susubukang pumunta sa tore

mataas syang bundok pero kaya namang lakarin papunta sa pinakatuktok

paakyat na sana ako ng may biglang nagbawal sakin

"ay miss, bawal pong umakyat dyan" sabi ng isang matandang lalaki na may pasan pasan na mga bungkos ng kahoy

"sandali manong may nakita kasi akong bata dyan ngayon ngayon lang, kaya pwede naman siguro" pagpapaliwanag ko

"wala pong batang umaakyat dyan, iyan lang po ang bahay namin at nakikita ko at napagbabawalan ang kung sino mang sumusubok na puntahan iyan" mahabang sabi nya habang itinuro ang kanilang bahay


"bakit nyo naman po pinagbabawalan?" takang tanong ko

"dahil yung mga unang sumuri sa tore na yan, ay di na muking nakabalik pa" di agad ako nakareact sa sinabi nya, matagal bago ako nakakilos at makagalaw sa kinatatayuan ko


"nako manong wag naman po kayong magbiro ng ganyan" sabi ko na lamang, pero dama ko pa rin ang takot

"sige na po maam, uuwi na po ako, at kailangan oa itong mga kahoy sa bahay" sabi nya at iniwan na ako mula sa pwesto ko

pero di ako nagkakamali, ang batang nakita ko ay si crisa

bumalik na ako sa kotse ko at sinimulan magdrive






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE YEAR 2119Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon