Prologue

5 0 0
                                    

Noon pa man ay hilig ko na ang pagbabasa at pagsusulat. I am fond of reading fairytales, mythicals, vampires and a lot of magical stuffs. Yung feeling na sa pamamagitan ng pagbabasa ay nararamdaman mo yung nararamdaman ng bida? Mararanasan mong lumipad, magtravell sa iba't-ibang lugar, pahintuin ang oras, maka-encounter ng iba't-ibang creatures at iba pa. Yung mga imposibleng manyari sa realidad, mararanasan mo gamit ang pagbabasa.

Typical na babae, merong simpleng buhay. Hindi sikat at hindi rin naman invisible, nasa gitna lang. Wala namang kakaiba sa akin, mahilig akong magbasa, magsulat, makinig sa mga magagandang musika.

I thought I will live like this for my entire ordinary life but not until this day happened,

May isang Book Event na ginanap sa lugar namin, sa event na 'to ay pwede kang bumili ng libro, magbenta ng libro at makipagpalit ng libro. Napagdesisyunan kong makipag-palit sa isang magandang babae kasi ang unique ng dala niyang libro. Nakakacurious 'yung cover at yung title.

Hindi ko inisip na sa simpleng pakikipag palit ko ng libro ay magbabago ang buhay ko,

Usually kasi diba nagsisimula ang mga magical adventure sa mga matatandang armetanyo na makakasalubong mo sa daan tapos bibigyan ka ng magical things like mapa, singsing o kwintas then boom instantly nasa kabilang panig kana ng mundo.

Pero ang saakin, mula sa isang magandang babae at sa isang libro,

Floresta Mágica
"A fantasy gamebook in which you are the hero."

Nagising nalang ako sa panibagong mundo,

Sa mundo kung saan ako ang bida,

Sa mundo kung saan hindi ko alam kung paano, bakit at kailan ako nakapunta,

Oo tama, naging karakter ako sa isang storya,

At ang una kong misyon,

Kailangan mahanap ko ang golden hammer ng mga dwarves para matuloy ang kanilang ritwal at mahinto ang nalalapit na delubyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Floresta MágicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon