Part two

29 1 0
                                    

- - - - - - -

Itong bahay na ito ay pagmamay ari ng tito ni Winina si Pablo Sebastian. Pumunta siya ng states last year at ipinagbilin kay Winina na pwedeng siya magstay dito kahit kelan niya gusto

Hindi na ito ang unang beses na pumunta kami ni Winina dito.

Nung matanggal sa trabaho si Winina nag desisyon kami na umalis muna sa City para magbakasyon dito panandalian.

Nag aaral ako sa isang Unebersidad sa Maynila, pero dahil summer break kaya nandito ako. Ang ganda dito, malayo sa city.

Mayroong nagiisang restaurant, convenience shop at konting bahay na ang nakitira ay mga matatandang couples. May nakilala kaming kapitbahay si Diego nung unang punta namin dito. Nakatira siya dito kasama yung tita niya, pero di na namin siya nakikita ngayon pati narin yung mga iba pang nakatira dito.

Hindi ko alam kung ilang araw kami magsstay ni Winina dito. Hindi ko na siya tatanungin e baka mahalit pa yun sakin.

Haii. ><  Ang pinakabadtrip pa sa ganitong setup e si Winina gusto niyang matulog kami sa magkabilang kwarto. Yun ang gusto niya. Nirerespeto daw kasi niya yung tito niya. Iyong tito niya kasi e isang relihiyosong lalaki. Churchgoing man kumbaga pa. Kung matutulog daw kami ng magkatabi habang di pa kami kasal malaking kasalanan daw yun sabi sakanya ng tito niya.

*Flashback*

Nung unang punta namin dito sinubukan kong gapangin siya sa kama niya. Akala ko makakascore na ako. Hindi pala! >< Humiga ako sa tabi niya tapos inikot ko yung mga kamay ko sa waist niya para yakapin at lambingin siya. Maya maya humarap siya sakin.

' Okay, bumalik kana sa kwarto mo ngayon na." sabi niya. Badtrip naman no. Pakasalan ko na kaya to? haiii.

Bumalik ako sa kwarto ko. Nakasimangot. :(

*End of Flashback*

Lagi nalang niya ako nilelecturan tungkol sa loyalty niya sa tito niya. Ayaw niya daw mangyari ang mga ganung bagay sa loob ng bahay ng tito niya. Mahal na mahal niya kasi yung tito niya. Tatay na daw kasi ang turing niya dun sa tito niya. Iniwan kasi sila Winina ng tatay niya nung maliit pa siya. Sumama sa ibang babae. Makalipas daw ang ilang taon namatay yung tatay niya. :(

Nandito na ako ngayon sa kwarto to. Malki itong kwarto. Luma pero maganda at malinis. Pag nandito ka sa loob e parang feel mo nasa sinaunag oanahon ka.

Dahil antok na ako, tinulak ko yung kama sa papunta sa dingding baka kasi mahulog ako habang natutulog. Humiga na ako. Maya maya nakatulog narin ako.

- -  KINABUASAN - -

Nagising ako ng maaga. Tumingin ako sa bintana ang ganda ng view dito. yung mga ibon nagsisimula ng magsiingayan. May nakita akong dalawang ibon na magkasamang lumilipad, parang ang saya saya nila. Ano kaya feeling ng lumilipad no? maya maya dumapo sila sa sanga ng punong kahoy. Nagkikiss sila. buti pa ang mga ibon nato naglalambingan. 

Bigla ko naisip si Winina. Puntahan ko kaya siya sa kwarto niya?Gusto lo kasi siya pagmasdan habang natutulog.

Nandito na ako sa sa labas ng kwarto niya. Binuksan ko yung pinto di naman nakalock e. Kaya pumasok nalang ako. Lumapit ako sakanya.

Aii! letse! nakatakip ng kumot buong katawan niya mula ulo. Grabeng babae to. Alam niya ata ng pupuntahan ko siya dito. Ganito ba talaga ito matulog?

Binaba ko yung kumot sa ulo niya para makita mukha niya. Wow, ang ganda padin niya kahit tuolg. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kinuha ko cellphone sa bulsa ko tapos kinuhaan ko siya ng picture tapos ginawa kong wallpaper agad.

Binaba ko narin yung kumot hanggang baywang niya. Di naman gaanong kapayatan si Winina. Sexy naman siya kahit papaano. Katamtaman lang yung katawan niya tapos may konting belly. Di rin siya gaanong katangkaran 5'3 ang height niya. Maliit lang yung hugis ng mukha niya, medyo may kanipisan yung labi niya tapos maliit yung ilong niya pero matangos. Basta tama in short maganda siya. :))

Habang tinititigan ko siya napaisip ako.

Minsan, di ko alam kung bakit di ko pa siya inaaya magpakasal. Parang may pumipigil sakin. Parang may invisible na dingding tapos patuloy lang ako sa paglalakad, iniisip ko na mapupunta ako sa panibagong future. Parang natatakot ako sa future. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi pa ako ready, hindi pa ako sigurado sakanya, hindi ko alam kung tama na yung mga pinagsamahan namin para to stand up to a whole life. ><

Gumalaw bigla si Winina. Kinabahan ako, kaya nagdahan dahan ako palabas n kwarto niya. 

Pumunta ako sa tabing dagat para magpahangin.

Author: Hello guys. Comment lang po kayo kung gusto niyo ituloy ang story. Thankyou! kung mababasa niyo to, maami kayo matututunan sa story na to! :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sign. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon