Midnight Serenade (Oneshot)

1.2K 51 44
                                    

Sabi nila, four years ago, every 2am daw may naririnig na magandang boses na kumakanta sa college library sa fourth floor ng west building cluster D. Marami paring naniniwala dito at hanggang ngayon, nagaabang mahuli tuwing gabi kung sino ang midnight ghost na ito.

______________________________________________________

Dala dala ang bag ko, dahan dahan akong lumakad para siguradong walang makakarinig sa mga hakbang ko. Pahupahupa lang ang pag-ilaw ng flashllight para makita ang daan at makasigurong walang makakakita sa akin.

Nilapag ang bag ko at nagsimulang maghanap ng mga libro sa shelves.

Dahil sa pagkadesperado kong mag-top sa finals, nagpakahirap akong magtago para makapagstay sa library buong gabi. Hindi kasi ako makakapag-aral sa bahay kung lagi ko nalang aabutan na uminom at nagsisisigaw ang tatay ko. Saka kanina pa kami ng mga classmates ko nagsusuyod ng mga shelves dito para makita yung book na ginagamit ni prof pero walang nakakita kaya ngayon ako magtetreasure finding para sa literature book na yan. Sabi kasi niya isa lang daw yun sa buong library at may mga original copies ng works dun na yun na ang last record at hindi makikita sa ibang references kaya lahat kami nagkakandarapa makita yun though sumuko na yung iba- Not me.

"Wst,"

Tumingin ako sa likod ko agad dahil baka totoo nga na dito natutulog yung librarian pero chineck ko yun kanina at sigurado akong ako lang tao dito at ni-lock ko pa yung pinto except nalang kung lumabas siya at binuksan niya ulit.

Wala akong nakitang tao kaya dumiretso ako sa pag akyat sa ladder para makita yung mas matataas na libro, inangat angat ko yung salamin ko sa mata para siguradong wala akong malagpasan, hindi namin alam kung manipis yun o makapal kaya pahirapan talaga maghanap. Wala pang title na sinabi sa amin. Limited nalang rin yung time kaya nagmamadali na ako kahit parang imposible, it's worth the try parin.

Footsteps.

Yun yung sumunod na narinig ko kaya bumaba agad ako at muntik na akong malaglag. Hindi naman ako nalaglag, pero yung mga hawak kong libro-oo. At gumawa siya ng malakas na ingay na sigurado akong maririnig ng kunsinumang nandoon. Nawala yung footsteps kaya nagmadali nalang ako tumayo at umupo sa sulok sa sahig para dun isa isahin yung mga librong nakuha ko pero hindi ako sinwerte kaya binalik ko na yung iba at humakot ng mga librong sa sobrang bigat parang namamanhid na yung kamay ko at nanginginig na yung paa ko habang lumalakad sa malapit na lamesa. Bumalik ulit ako para kumuha pa pero nung pagkalapag ko nung pangalawang patong ng mga libro, nawala yung una kong mga kinuha. Lumingon lingon ulit ako sa kaba, pag ako nahuling nandito baka mawala pati scholarship ko.

Naka tshirt, pantalon at tsinelas lang ako.

Kaya ramdam na ramdam ko yung malamig na bagay na kumalabit sa paa ko.

Nung una akala ko natutulog sa baba ng lamesa yung librarian, pero yung mga libro ko lang ang nakita ko doon. Gusto ko sanang malaman kung anong nangyari pero wala na akong oras kaya nilagay ko nalang ulit sa lamesa at sinimulan nang magbasa.

Naka tatlong libro palang ako, may nangyari nanamang kakaiba.

Siguro masyado akong focused sa pagbabasa ko, hindi ko napansin na nag iba yung ayos ng mga libro at kumonti na ito. Isa isa kong binuklat at kasama nga yun sa mga pinagkukuha ko pero san nanaman nagpunta yung iba?

Sabi ko nga, wala na akong oras kaya tinapos ko nalang kung anong meron pero pagkatapos nung sunod kong kinuha, nawala na lahat, pati yung mga nabasa ko na.

Kumuha ulit ako ng marami ng limang beses, buti nalang walang nawala. Sa isip isip ko antok lang siguro ako kaya hindi ko naaalala kung ano nang nabalik ko sa hindi saka kung may nilagay ba ako sa baba ng lamesa o wala.

Midnight Serenade (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon