SAB.
Ano bang pakiramdam na para kang papel?
Yung palipad-lipad.
Yung walang sulat.
Yung gusto mong magkaroon pa ng saysay pero mukhang imposible na. May mga taong gustong iparamdam sa'yo na may halaga ka pa. Pero para sa'yo, wala na. Ikaw na mismo yung lumalayo kasi pakiramdam mo hindi ka na kumpleto, na baka kung may maibigay ka man sa kanila hindi na buo?
"Sab, gising na Sab!" Kanina pa ako kinakalabit ni Aya. Ang hindi niya alam, gising na ako kanina pa. Hindi lang talaga ako bumabangon. Hindi ko naman kasi alam kung anong oras na, kung may araw na ba o wala pa, kung gising na rin ba sila o hindi pa.
Hindi naman kasi ako nakakakita. Oo, halos magdadalawang taon na rin simula nung huli kong makita ko yung itsura ko sa salamin, yung malinis na bahay namin, at yung sapatos kong itim. Paborito ko 'yung gamitin!
Dalawang taon na din nang huli kong makita kung gaano kaganda si Mama sa gupit n'ya. Gaano na kaya kahaba ngayon yung buhok n'ya? Tingin ko, abot beywang na.
At syempre! Si Papa... ang pinakamagaling na chef sa buong Maynila. Kahit na hindi ko pa natitikman ang kahit isa sa mga luto n'ya. Ay teka, hindi ko rin ba nasabi? Wala rin akong panlasa. Wala rin akong pang-amoy kaya hindi ko alam kung gaano kabango ang mga paboritong perfume ni Aya.
Ganito na yung kondisyon ko mula nang ipanganak ako ni mama. Nasanay na rin ako. Ang mas mahalaga naman kasi sakin, yung nakikita ko yung ngiti ng mga tao sa bahay, na dalawang taon na rin nung... alam mo na.
"Good morning, anak!" Bungad nila Mama at Papa paglabas ko ng kwarto. Dati nasa second floor ako, kaya lang may mga oras na bigla akong nadudulas sa hagdan. Hindi naman hahayaan nila mama na maging baldado na ako nang tuluyan kaya nilipat ako dito sa baba.
"Hulaan mo kung anong breakfast?" Mahilig talagang maglaro 'tong si Papa.
"Hmm, feeling ko tapsilog?" Sagot ko kay Papa kahit na hindi ko alam ang amoy at hindi ko nakikita.
"Aba! Ang galing ni ate ngayon ah? Hahaha!" Sabi ni Aya. Natuwa ako kasi bihira lang naman akong makahula nang tama.
Nagtawanan silang lahat at niyakap ako ni Papa sabay sabing, "Ang galing ng anak ko! Kaya lang yung 'si' sa tapsilog sinaing lang eh hehehe. Hindi nakapagsangag si Papa. Kain na anak."
Napuno ng katahimikan. Kubyertos lang ang naririnig ko. Bakit ang tahimik nila Mama?
"Ma?" Tanong ko.
"Oh bakit, Sab?" Sagot ni Mama sabay tanong ng, "ready ka na ba para mamaya?"
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Natutuwa ako kasi after two years, at last nakahanap na din ng perfect donor para sa'kin. Kaya lang, takot kasi ako sa mga operasyon. Pero kakayanin ko, para sa pamilya ko at para sa sarili ko.
"Opo, tingin ko ready na ako this time. Sana lang maging successful yung operation," sagot ko.
"Nako, ate. Magpe-pray kami. Sana makakita ka na kasi miss ka na ng fans mo. Paulit-ulit na lang 'yung pinapanuod kong videos mo. I need an update! Yung matinding come back. Ganun!" Sabi ni Aya.
"Aba, pasaway kang bata ka. Inuna pa ang video video. Kapag nakakita na 'yung ate mo, magpapahinga muna s'ya. At kapag okay na, saka na n'ya gagawin yung mga gusto n'ya. Ikaw naman oh," sagot ni Papa. Nagtawanan kami. Ramdam kong excited silang lahat na makakita na ako.
Mamayang alas dos ng hapon magsisimula na yung Corneal Transplant ko. Masaya s'yempre, kasi makakakita na ako kung sakaling magtagumpay yung operasyon. Pero kinakabahan at natatakot din ako kasi pangalawang beses ko na sa operating room. Sana maging maayos ang lahat. Sana.
BINABASA MO ANG
See You in Venice
RomanceTell me, how to live? How to live when you're two-fifths, two out of five... a forty percent? If you're not that good with math, don't worry. You're still lucky. Why? Because, I may be good with numbers, but I am definitely not good with tastes, sme...