Freedom Wall

63 0 0
                                    

Matthew Licaros. Ang pinakabatang negosyanteng bumibilang ng mga tropeyo sa larangan ng negosyo. Ipinasa ng kanyang nakatatandang kapatid ang pwestong Presidente sa kanya mula ng ito'y mag-asawa, Hotel and Resorts ang negosyong kilala ang kanilang pamilya sa buong bansa. Maginoo at masayahin ang pagkakakilala ng mga empleyado sa kanya ngunit ng mga sumunod na araw, naging masungit at seryoso ang anyo nito sa di malamang dahilan. 

Elisha Lopez. Dyosa, kung s'ya ay ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Mamula-mulang balat at maamong mukha ang taglay nya. Isa pa sa kinaiinggitan sa kanya ay ang magandang relasyon niya sa kanyang nobyo at pamilya nito. Ulila na syang lubos at sa pamilya na ni Andrei, ang kanyang nobyo, s'ya nakatira matapos mamatay sa isang aksidente sa trapiko ang kanyang mga magulang.

Freedom Wall. Isang pader na kilala ang Akin Subdivision sa Cavite na kung saan magtatagpo ang landas ng dalawang magkaibang personalidad.

Freedom WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon