FW1

49 0 0
                                    

HINDI pa man sumisilip ang haring araw ay gising na si Elisha at nasa hardin na na gawa ng kanyang nobyong si Andrei. Binubungkal at pinapaganda ang mga tanim niya, tila mga tao kung kausapin nya ito na animo'y nagkakaintindihan sila. Nakalugay ang may kulot sa dulo nitong buhok na tinernuhan ng bistidang puti. Unti-unti ng napunit at sumilip ang bawat kuko ng liwanag, lalo pang nakita ang kagandahan ni Elisha, napaka-pusyaw ng balat tanda ng napakalusog na Vitamin D sa loob nito. Ulila ng lubos si Elisha at nakatira na sya sa bahay ng kanyang nobyo magmula nang maaksidente ang kanyang pamilya sa trapiko. Angat sa buhay ang pamilya niya, iniwan sa kanya ang lahat ng mana at binenta nya ang kanilang bahay upang mabawasan na din ang sakit sa kanyang dibdib at inilagay ang lahat n pera sa bangko.

Alas-nuwebe na nang matapos siya. Sinimulan na nya ang paglalakad at bawat madaanan ay binibigyan nya ng ngiti at bati ng "magandang" umaga. Hanggang makarating sya sa puwesto ng nakatayong may katabaang babae na nakaupo sa veranda.

"Magandang umaga, Ma." Bati nya dito sabay halik sa pisngi.

Si Brenda, ang ina ni Andrei. "Mabuti naman at narito ka na. Kaawaan ka ng Diyos."

"Gising na po ba si Andrei?"

"Oo, naroon sya sa kusina at naghahanda ng inyong almusal."

"Pupuntahan ko na po s'ya." Paalam nito at ngumiti.

Lumakad na sya paloob ng two-storey model ng bahay ng Castro. Hindi maikakaila ang angat sa pamumuhay ng pamilya nila. Napundar ito ng ama ni Andrei bago pa ito magretired sa pagsusundalo. Mayroon din silang malawak na sakahan at malaking tindahan.  Pinasok nya ang malaking pinto- may lapat na tiles ang buong kabahayan, may malaking flat screen tv sa sala. Lumakad pa sya ng kaunti ay dining area, mula roon ay naamoy nya ang bango ng tapa at aroma ng kape, noon ay papikit na s'yang naglakad, hanggang..

Muntik ng umalingawngaw ang sigaw nito, mabuti na lamang at naagapan ito ng kanyang nobyo. Unti-unti itong tinanggal ni Andrei, humarap si Elisha. Sinalubong sya ng kanyang nobyo ng matamis na ngiti.

 "Pasensya ka na at nadala ako ng napakabangong amoy ng iyong mga inihahanda." Paliwanag ni Elisha.

Ngiti lang ang isinagot ni Andrei. "Maganda ba ang tulog mo, kagabi?"

"Syempre naman. Nandito ka e."

Naglapit ang kanilang mga mukha, akmang maglalapat ang kanilang mga labi kundi lang tumunog ang oven toaster. Kapwa nila itong tinignan. May lumuwang dalawang loaf. Muling nagtinginan at nagtawanan.

Inihanda na ni Andrei ang mesang kanilang kakainan. Inihanda nya ang uupuan ni Elisha, pinaupo at saka sya umupo. Sinandukan nya ng pagkain ang nobya at nagsimula ng kumain.

Kubyertos lang ang tanging umaalingawngaw sa buong paligid. Hanggang magsimula si Andrei.

"Sa makalawa na ang alis ko."

Natigilan si Elisha.

Iginapang ni Andrei ang kanyang kamay patungo sa kamay ng nobya. "Wag ka ng malungkot, Mahal."

"Akala ko ba'y aalis ka na sa pagsusundalo?" Garalgal nitong wika.

"Ilang buwan na lang, Mahal, at tuluyan ko ng iiwanan ang pagsusundalo."

Unti-unti ng umagos ang kanina pang namumuong butil sa kanyang mga mata at nahulog pa ang kutsarang kanyang hawak. "Paano kung di ka makabalik? Paano kung.."

Tumayo si Andrei at niyakap ang nobya. "Babalik ako. Magpapakasal tayo at bubuo tayo ng sarili nating pamilya."

Lumunok at kinalma ang sarili."Ikaw na lang ang tanging sinasandalan ko, Andrei, mula ng pangit na kabanata sa aking buhay. Kayo ang taong tumanggap sa akin ng buo. Hindi ko makakaya pang pati ikaw ay mawala sa'kin."

Lumuhod si Andrei upang harapin ang nobya, pinunasan ang luha sa mukha ni Elisha."Pinapangako ko na magbabalik ako at hindi na muling iiwan ka. Palagi mong tatandaan yun."

Inilapit nya ang kanyang mukha upang mailapat ang labi nya sa labi nito at kapwa nilang nilasap ang matamis na halik ng bawat isa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Freedom WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon