Sa Isang Araw ng Tatlong Tao sa Iisang Tren

249 2 0
                                    

Sa Isang Araw ng Tatlong Tao sa Iisang Tren.

Unang Station: Taft Avenue

Sumakay ako sa dulong istasyon ng tren na ito. Maluwag pa at hindi pa masyadong nagsisiksikan pero pagdating sa susunod na istasyon, alam kong madami na ang sasakay. Mabuti na lang at nakasakay ako kaagad. Late na rin kasi ako sa trabaho. Isang istasyon pa bago ako bumaba sa Ayala. Halo-halong mga tao ang nakakasama ko. May mga papasok na rin ng trabaho. May mga estudyante pa na tila ay tinapos ang kanilang homeworks bago umalis ng bahay.

Ako nga pala si Samuel. 21 years old. Kakagraduate ko lang at salamat sa Diyos, nakahanap ako kaagad ng trabaho. Nakapagtapos ako ng HRM sa isang malaking unibersidad dito sa Maynila. Tamang tangkad lang. Maputi. Fil-Am kasi ako. Ang tatay at nanay ko, nasa America na. Ako lang naman ang umayaw na sumama sa kanila papunta dun eh. Mas gusto ko kasi dito...

May gusto kasi ako dito.

Lagi ko siyang nakakasabay sa tren na ito simula pa nung 3rd year college ako. Kahit sobrang pagod at walang tulog, sa kanya ako nakakahanap ng lakas. Dito ko siya unang nakita. Dapat pagkatapos ko mag-aral ay sasama na ako sa kanila sa America pero umayaw ako.

Hanggang ngayon, umaasa parin akong makilala siya.

Sa ilang taon na nakakasabay ko siya sa tren na ito, hindi ko pa rin ang pangalan niya. Pero alam ko ang bawat galaw ng katawan niya. Kabisado ko ang pabango na ginagamit niya. Ang damit na sinusuot niya. Ang istasyon na binababaan niya. Pareho na kami ng binababaan ngayon. Pero dahil palagi kong gusto siyang makasabay sa tren, hindi ko siya masundan kung saan siya nagtatrabaho dahil ako naman ang male-late sa aking trabaho.

Lagi ko siyang tinatabihan sa tren. Simula kasi nung nakita ko siya, nakaramdam ako na dapat protektahan ko siya sa magulo at masikip na tren na ito. Hindi ko hinahayaan na may makatabi siyang ibang lalaki na dikit ng dikit sa kanya.

Paano ko ba siya idedescribe? Nasa 5'1" ang height niya... Mahaba ang buhok. Maputi. Baby face. Siya yung typical na babae na gusto mong maging girlfriend. Kaya nung unang beses ko siyang makita at dinidikitan ng mga lalaki, talagang tinabihan ko siya at kunwari ay kasama niya ako. Yun din ang unang araw na nginitian niya ako. Akala ko nun, sasabog na ang puso ko. Gusto kong magsisisigaw.

Nagtataka ka siguro kung bakit hindi ako kaagad nakipagkilala sa kanya... Simple lang naman eh.

Torpe kasi ako. Wala ako ng lakas ng loob para lumapit sa kanya.

Pero iba ang araw na ito. Lalapitan ko na siya.

"Next Station: Ayala."

Sa Isang Araw ng Tatlong Tao sa Iisang TrenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon