last minute of 28 ♥
-----
mayroong isang lalaking tinutukso sa akin
hindi natatapos ang araw, ako'y kukulitin
wala siyang inatupag kundi ako'y guluhin
ngunit di ko talaga sya balak pansinin
naglao'y nauwi ito sa ligawan
walang humpay kung magtextsan
puro landian lang ang laman
subalit tuloy parin walang sawaan
nagpadalos-dalos ako't umoo
sinabi ko ito noong setembre bente otso
hindi ako umasa sa magiging resulta nito
alam ko lang dapat kaming magpakatotoo
ang daming taong nagdududa
sabi nila'y di kami magtatagal na dalawa
parehas daw kasi kaming di makontento sa isa
konti landi lang daw ng iba kami'y buwag na
ngunit umusbong ang malanding pagmamahalan
na nangako sa isa't isa na WALANG IWANAN
totoong kilig aking nararamdaman
dahil si *SENSORED* ang aking katipan ♥
totoong ang pag-ibig ay may mahika
kumikislap aking mata, puso'y kay saya
Ayyyiieeee ang swerte ko talaga
dahil sa puso nya... AKO'Y NAG-IISA.
bow :D
hihihi wala lang :">
---------------------------------
NOTE: Sensored yung name syempre :D hahahaha :p