ZACHARY: Huwag na huwag lang talagang magpapakita sakin yang gagong yan! Sinasabi ko sayo BLauv! Hindi ako papayag na hindi makakatikim sakin yan!
YSABELLE: So pati ikaw? Aagawin mo siya sakin?
ZACHARY: Boba! Anong aagawin sayo?
YSABELLE: Sabi mo kasi, papatikimin mo.
ZACHARY: Sira ula! Makakatikim ng suntok. Double punch left and right o kaya gusto mo magkabilang sampal yung pang mag-asawang sampal! Isama mo pa yung may kabit sa mag-asawa para tatlong sampal! Nanggigigil talaga ako eh!
YSABELLE: Hayaan mo na GLauv.
ZACHARY: Ako tigil-tigilan mo lang Ysabelle Reese ha. Nangigigil din ako sayo madalas eh, boba ka! Apat na beses ka ng niloloko ng putang-inang Garfield na yon, este, Gabriel na yon! Ano, pagkatapos nito isang sorry lang niya at maaya ka lang ng lunch eh okay ka nanaman tapos ilang araw lang iiyakan mo nanaman ako?! Please lang ha. Ysabelle Reese nagmamakaawa sayo yung sarili mo.
YSABELLE: Zach, ganun naman diba, kapag nagmamahal ka. Kahit paulit-ulit kang masaktan matatanggap mo pa rin yung tao na yun. Kahit ano pa yung pagkakamali niya, o kung ano mang mali sa kanya. Parang ikaw nalang yung magtatama nun sa sarili mo kasi tanggap mo pa rin naman siya.
ZACHARY: Pero magkaiba yung rason na yun sa pagpapakatanga! Tandaan mo yan. Pero sige. Choice mo yan, choice mo yan na piliin mo parin siya ng piliin kahit ilang ulit na niyang pinapakita sayo na mas mahal niya yung ex niya? Mas gusto niyang makita yung ex niya? Mas gusto niyang kasama yun?
*YSABELLE CRIES FOR THE NTH TIME*
ZACHARY: Oh, di ba teh? Saket the diba no teh? Hindi kita pinapaiyak ha. Sinasampal ko lang sayo yung katotohanan teh.
YSABELLE: Zach, pwede payakap?
*HINDI NA AKO NAKAPAGPIGIL, HINILA KO SI ZACH
AT NIYAKAP KO SIYA NG MAHIGPIT*
YSABELLE: Sorry, sobrang sakit na kasi.
ZACHARY: Sige, okay lang. Medyo mabango pa naman ako kaya papayag akong yakapin mo ko.
YSABELLE: Kulang pa ba ko? Ang tagal kong hinintay to, 3 taon? Akala ko siya na. Pero sa tagal kong hinintay tong pagkakataon na to, lolokohin niya lang pala ako. Sana simula palang hindi nalang niya talaga ako pinansin. Sana dun nalang siya sa ex niya. Kung yung Grace na yun pa rin pala mahal niya. Ganun ba talaga Zach? Hindi ba talaga niya ko kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya dun sa ex niya? Bakit? Bakit Zach?
ZACHARY: Alam mo teh, mas maganda ka naman dun sa chaka na yun! Alam mo kung sino yung nawalan? Edi ikaw. Charowts! Syempre si gagong Gabriel. All this time hinintay mo siya. Then na-realize nga niya yung worth mo pero, kalaunan, umeksena nga tong hipon na to na kala mo naman talaga keganda-ganda at eto namang si gago nang-entertain naman. Hay nako, tama na yan ha. Oh, tama na iyak ha, unang una kinapanget mo yang pag-iyak mo. Alam mo, marami pang iba dyan, BLauv, ang swerte ng magiging boyfriend mo no. Kaya wag mong iyakan yang hayop na yan papakuluan ko yang mokong nay an sinasabi ko sayo!
YSABELLE: Thank you GLauv ha? Lagi kang nandyan para sakin.
ZACHARY: Syempre hello, we're sisters forever duh.
YSABELLE: Ikaw nalang kaya jowain ko? Hindi mo ko iiwan eh. Hahahahaha!
ZACHARY: Haliparot na to! Manginig ka sa sinasabi mo kasi ako nasusuka. Bwisit na to! Tara na at kumain nalang tayo. Libre mo.
BINABASA MO ANG
MY DREAM GAY
Любовные романы"Mapipili mo ba ako? O talagang lalaki lang talaga ang gugustuhin mo?" - Ysabelle Reese Makakaya ko kaya siyang baguhin? Baguhin sa kung ano talaga siya? O babaguhin ko nalang ang nararamdaman ko para sa kanya? @happyfaghag © 2018