AMKSA Chapter 32

3.6K 95 7
                                    

JAMMY'S POV

Malapit na akong makarating sa warehouse ni Nash nagload na ako ng mga bala sa baril na gagamitin ko. Natanaw ko na ang warehouse pinark ko ang sasakyan ko sa madilim na parte kung saan madaming mga kahoy ang mga nakapalibot. Bumaba na ako at dahan dahang naglakad papunta sa warehouse may nakita ako mga nakabantay sa labas pero di naman gaano kadami. Grabeh ang laki ng warehouse na to ano kaya ang laman nito. Dumaan ako sa, likod kung saan may apat na lalaki ang nakabantay sa labas. Nilagyan ko ng silencee yung baril ko at itinutok ko sa isa pinaputukan ko ang isa kaya napalingun yung tatlo sabay pinatukan ko ito. Naglakad ako patungo sa pintuan pero lock ito may kandado kumuha ako ng pin sa ulo ko at sinubukan na buksan yung padlock.

"Shit ba't ayaw bumukas"

Narinig kong parang may papunta dito kaya dali dali akong nag isip ng paraan naalala ko yung susi na usb kaya kinuha ko ito sa bulsa ko nung ipasok ko ito sa padlock ay nagkasya ito kaya nagulat ako.
Tinwist ko yung susi at bumukas ito. Dali dali kong tinanggal ang kandado at pumasok sa loob. Napaka dilim sa loob kumuha ako ng flashlight. Puro mga nakabox lahat ang nandito sa loob ng 1st floor kaya napagdesisyonan kong pumunta sa itaas umakyat ako gamit ang hagdan at inikot ang 2nd floor.. at nagulat ako sa nakita ko..

"Puro bomba ang nandidito iba't ibang klase ng mga granada"

May narinig akong footsteps kaya dali dali akong nagtago.

"May nakapasok!" Sigaw nung lalaki

"Ikutin niyo lahat nandito lang yung taong yun" utos nung isa.

"Shit alam nilang nandito ako"

Dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumipat sa ibang lugar na pweding pagtataguan lumabas ako at nagsimulang maglakad ng biglang..

"Hoy!!!! Nakita ko na!!" Sigaw nung lalaki

"F*ck!! Nahuli nila ako"

Mabilis akong tumakbo hindi ko alam kung nasan na ako kasi pasikot sikot lang yun daan dito tapos ang dilim pa kaya mahihirapan akong maghanap ng mapagtataguan. Kinuha ko yung cp ko

"Fuck walang signal kainis!!"
"Ayun siya!!!"

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa dead end na ako kainis akong gagawin ko ngayon. Kaya hinanda ko nalang ang sarili ko nilabas ko yung baril ko papunta na rito ang mga nakabantay na may mga dala ring mga baril tinutok ko sa kanila yung baril at isa isa silang pinababaril. Nahawakan nung isa yung baril ko kaya inukot ko yung kamay ko at sinipa sa tiyan.

Hindi ko sila kaya sobrang dami nila. Naubusan na ako ng bala kaya isa isa ko silang sinipa. Bigla nalang my sumuntok sa likod ko kaya napatumba ako. Tumayo ako pero nanginginig na yung tuhod ko.. pagod na ako.. may kinuha yung isa mula sa bulsa niya na isang injection at tinusok niyo ito sakin kaya di ko namalayan natumba nalang ako.

NATHAN'S POV

nandito ako ngayon sa sala at hindi ako mapakali dahil nag alala na ako kung ano na ang nangyari dun sa warehouse. Kaya napagdesisyonan kong pumunta nalang pero kailangan kong tawagan ang kuya ni Jammy dahil hindi pwedeng ako lang mag isa ang pupunta.

DIALING Jammy's Kuya

( oh bakit pre?? May nangyari bang masama?? )

" kailangan ko ng tulong mo si Jammy pre pumunta ng mag isa dun sa  isang  warehouse"

(Ano??!! Bakit hindi niya sinabi sakin??!! Bakit hindi ka sumama??!!)

"Sabi niya kasi siya lang daw ang pupunta. Kaya tinawagan kita kasi pupuntahan natin siya ngayon dun"

(Oh sige sige nasan ka ba ngayon??)

"Nasa condo ni Jammy"

(Sige papunta na ako diyan)

CALL ENDED

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang kuya ni Jammy.

"Ready ka na??" Sabi niya

"Oo"

"Tara"

Lumabas na kami sa condo ni Jammy pagkatapos ay sumakay na kami sa sasakyan niya.

JAMMY'S POV

"Urghh ang sakit ng ulo ko"

Nagising nalang ako na nakaupo na ako at nakatali yung mga kamay at paa ko.

"Well well well gising na pala ang night at shinig armor sa anak ni Scott"

"Nash walangya ka talaga!!!"

"Hahaha nakilala mo agad ako nakakabilib"

"Kahit hindi pa kita makita sa boses mo pa lang kilalang kilala na kita"

Lumapit siya sakin at ngumiti siya ng mapang asar.
"Gusto mo bang makita kung sino ang kasama mo ngayon dito??"

"At sino na naman ba ang dinamay mo dito ha??!!!!"

"Well see for yourself"

Biglang umilaw ang bandang likod na pinatatayuan ni Nash at nagulat ako sa nakita ko ang mga magulang ni Nathan nandito parehong nakatali at nakaupo sila sa silya.

"Put* ka Nash wala ka talagang puso!!"

"Haha hindi mo na kailangang sabihin yan kasi noon pa ako nawalan ng puso"

Bigla niya akong sinampal ng malakas.

"Para yan sa pangingialam ng papa mo dito"

"well ano kayang mangyayari kapag nalaman to ng Boyfriend mo" pagpatuloy niya

Kumuha siya ng cellphone sa bulsa niya at tinawagan si Nathan.

"E loloudspeaker ko para marinig mo rin yung sasabihin niya haha"

"Hello Nathan"

(Nash!!! Walangya ka anong ginawa mo kay Jammy!!)

"Haha well hindi lang si Jammy ang nandito ngayon pati na rin ang mga mabubuti mong mga magulang"

(Gago ka talaga Nash papatayin talaga kita!!)

"Haha pinababantaan mo ba ako?? Well kung gusto mo akong patayin pumunta ka dito ng mag isa haha"

(Papatayin kita talaga Nash kapag may ginawa ka sa kanila. Papunta na ako diyan!!)

"Hihintayin kita haha"

CALL ENDED

"Oh papunta na rito yung boyfriend mo haha mukhang magiging masaya to ngayon"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Ilipat niyo sila!!" Utos ni Nash sa kanyang mga kasamahan

"Opo boss"

Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari kay Nathan kung ano man tong plano ni Nash hindi ko hahayaang mangyari yun.

TO BE CONTINUED..

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon