Nakaupo kami ngayon dito sa court since lunch break naman at may konting oras pa kami para tumambay....
"Boring." Sabi ni cassie
Napa-tango nalang kami sa sinabi ni cass, totoo naman super boring dito dapat pala itinulog ko nalang 'tong buong lunch break period...
"Hey! I know something para hindi na maging boring 'tong lunch break period natin!" Sabi ni sandra habang may makahulugang ngiti sa kanyang mga muka. Agad kong kinuha yung nilukot na tissue at binato sa kanya
"Ouch!" Aniya
"Arte mo, sandra. Tissue lang aray aray ka agad? Pero nung tinamaan ka ni john ng bola sa muka hindi ka nasaktan?!" Irita kong sabi
Hindi na sya nakasagot sa sinabi ko. Bigla nalang kaming napatitig sa pintuang nasa right side... there he goes again. I don't know pero sa tuwing nakikita ko 'tong lalaking 'to naiirita ako sa kanya! Sya kasi ang ultimate karibal ko sa room! Lagi syang tulog sa room namin at minsan naman nagbabasa ng hindi related sa subjects namin pero kapag tinanong mo sya kung ano yung pinag aralan namin alam nya! Ako tuloy palagi ang miss second samantalang sya palaging nasa kanya ang pagiging 1 kainis! Minsan lang din sya magsalita, tuwing reporting and recitation then the rest shut up na sya.... Feeling ko nga engkanto 'tong lalaking 'to. I admit na gwapo talaga sya pero sadyang snabero yan, halos lahat ng lumalapit na babae sa kanya nire-reject nya. Well tama naman yung ginagawa nya kasi kung ako nasa kalagayan nya maiirita din talaga ako sa mga babaeng lumalapit sa akin. Minsan narin syang na chismis na gay daw sya kasi kahit ang campus crush na si bianca ay ni reject nya, pero yun talaga ang nakapag pasaya ng todo sa akin nandun kasi ako nung umamin si bianca kay james katawa lang kasi nilagpasan lang sya ni james...
"Umaygahd look, may nagtatangka nanamang lumapit kay james mga babs!" Sabi ni cass.
"As if naman kakausapin nya yan, di yan magtatagal, bilang kang 3 seconds tapos na agad yan" sabi ko habang tumatawa
"Woy ang sama ni alice! Make it 5 seconds naman!" Sabi ni sandra kaya natawa ako.
Sumandal ako sa shoulder ni jane, feeling ko nanonood ako ng isang drama kulang nalang ng pop corn at soda.
"Jane you bet, ilang seconds yan?" Bulong ko sa kanya
"I think 1 minute is enough" cool nyang sabi, si jane ang pinaka tahimik sa grupo namin hindi nga namin alam paano sya nasali sa grupo basta ang alam lang namin masaya din sya kasama.
Napatingin kaming lahat sa sagot nya..
"TINGIN MO?" sabay sabay naming tanong habang tumatawa
"Yeah!" Aniya kaya napatigil kami sa pagtawa
"Paano mo naman nasabi na 1 minute? Wala pang lumalagpas ng ganun katagal babs!" Sabi ni Sandra kay jane.
"Ewan." Aniya.
"What if magpustahan tayo?" Tuwang tuwa na sabi ni Cass
"So what is it?" Sabi ni sandra na mukang game sa kalokohan nitong si cass
"That james!" Sabi ni cass
Hindi nalang ako nagsalita at tumingin sa direksyon ni james...
Wait--- what? Did he just look at me? Kinusot ko ang mata ko at pagtingin ko nakatuon ang kanyang mga mata sa babaeng gusto syang kausapin..
What the hell happened?
"So ganito may narinig kasi akong usap usapan mga babs! Sabi daw kasi may dirty secret daw yan si james may nabuntis daw yang babae kaya ganyan sya kung maka iwas sa mga babae" pa intense na sabi ni cass
Mga kalokohan talaga.
"So what's the deal?" Bored kong tanong
"Kaylangan isa sa atin ang maka alam ng dirty secret na yun and the price is a prada saffiano bag" aniya
"Sure!" Sabi ko then tumayo... umaygahd prada saffiano bag,Kahit ilang oras akong magtrabaho sa coffee shop hindi ako makakaipon para makabili ng isang prada! I'll do everything just to have that f*cking prada!
"Opppss wait! Don't be so happy!" Sabi ni cass
"What is it?" Sabi ni sandra
"You are not allowed of falling inlove with him, okay? Kapag nainlove ka-" pinutol ko ang sinasabi nya...
"The hell cass as if naman maiinlove ako sa ganyang lalaki? Ultimate karibal ko pa nga yan tapos maiinlove? Like what the hell!" Sabi ko at ginusot ko ang muka ko na parang diring diri
"Teka I didn't say na maiinlove sa kanya..." sabi ni cass sabay ngiti
"Ay wala ba? May narinig ako kanina eh!" Sabi ko sabay tahimik awkward
"You know what guys, just go. I don't want to get involved" sabi ni jane
"Kj!!!" Sigaw naming tatlo
"So guys malinaw naman siguro diba? Pero may one last thing pa"
"Cass!!!" Sigaw ko, naiirita ako ang daming alam!
"You will list down kung ano lahat ng ginawa nyo at kung ano nga ba talaga ang secret nya. Deal?" Sabi nya
"Deal!" Sigaw namin ni sandra
At dyan nagsimula ang pustahan......