NANONOOD lang ako habang hinahanda ni Papa ang iba't ibang armas nito. Mga pasabog at wolfsbane na maaaring makatalo sa mga Lycan. Buntong hiningang sumandal ako sa hanay ng pintuan habang pinag-ekisang mga braso sa tapat ng aking dib-dib.
Nakita ko na ipinasok nito ang isang silver knife bago tuluyang sinara ang bag na dadalhin nito. Buntong hiningang humarap ito sa akin.
"May mga Lycan daw na nakapasok sa kabilang bayan at kaylangan nila Tata Bernan ang tulong ko." Anito na halata namang hindi magpapapigil. Sinukbit na nito ang bag sa balikat at naglakad palabas ng kwarto.
"Do you really need to go?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa tuwing aalis ito para sumabak sa laban.
Tipid itong ngumiti. "Ito ang dahilan kung bakit ayokong sabihin sayo, kung ano talaga ang trabaho ko."
"Hindi mo ako masisisi kung mag-aalala ako sayo, Pa."
Bahagya itong ngumiti. "Alam ko, hija. Don't worry, mag-iingat ako para sayo."
Ngumuso ako. "Promise?"
"Promise." Sagot nito. Pero hindi ko pa rin makuhang maging panatag.
Mula nang malaman ko ang tunay na pagkamatay ng aking ina ay hindi ko na makuha pang maging panatag, idagdag pa ang tungkol sa trabaho ng aking ama. Parang wala ng ligtas sa bayan ng Atheia laban sa mga Lycan.
"Full moon ngayon, mag-iingat ka." Nag-aalalang yumakap ako sa kanya.
"Ikaw ang mag-iingat hija. Huwag mong kakalimutan 'yung mga bilin ko sayo, at huwag mong pagbubuksan kung sino man ang kakatok at..." Ibinigay nito sa akin ang isang 45 ACP.
Mula sa baril ay nag-angat ako sa kanya ng tingin. "Kapag kinakailangan."
"Pa.." Kahit tinuruan niya akong gumamit ng baril at ng ibang sandata ay hindi ko pa rin magustuhang gamitin 'yon.
"Sige na. Matatagalan ako bago makauwi. Kunin mo na para mapanatag ako." Giit nito. Buntong hiningang tinanggap ko nalang 'yon.
"Aalis na ako." Hinalikan niya ako sa noo, pagkuway sumakay na ito ng jeep.
Sinenyasan niya ako na isara na ang pintuan pati na ang mga bintana. Agad ko din naman iyong ginawa. Nang masara ko na ang pinto at bintana ay tsaka ko lamang narinig ang papalayo nitong sasakyan.
Sa tuwing umaalis si Papa para makipaglaban sa mga Lycan ay inaabala ko din ang aking sarili para hindi ako masyadong mag-isip at mag alala. Pero kung minsan hindi ko talaga maiwasan ang mangamba dahil alam kong hindi ordinaryong tao ang nakakalaban nito.
Wala naman akong masyadong alam tungkol sa mga Lycan pero ang palaging itinatatak ni Papa sa isipan ko ay isa silang mga halimaw na mapanganib sa lahat. Walang ibang alam gawin kundi ang pumatay at kumain ng mga inosenteng tao. Kahit hindi pa naman ako nakakakita ng tulad nila ay ramdam ko na ang panganib na dala nila sa mga tao.
Nang ubos na ang laman ng tasa ko ay nagpasya ulit akong magtimpla ng kape. Mabilis akong bumaling ng tingin sa may pintuan ng may gumalabog mula sa labas. Agad kong dinampot ang barin na ibinigay sa'kin ni papa.
Muli akong nakarinig ng kaluskos at galabog ng kung ano sa labas. Kinasa ko ang baril at marahang lumakad palapit sa pintuan. Nang hindi na ako nakarinig pa ng kaluskos ay marahan kong hinawi ang kurtinang tumatakip sa bintana at maingat na sumilip doon.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang duguang lalaki na hirap sa paglalakad. May tama ito sa kanang dibdib pati na sa tiyan nito. Napasinghap ako nang matumba ito sa lupa.
Kinakabahang tumalikod ako at sumandal sa pinto. Isa ba itong Lycan? O isang tao na biktima ng isang Lycan? Anong gagawin niya? Dapat niya ba itong tulungan?
BINABASA MO ANG
Alpha And The Rejected Luna (Alta Montaña Series I)
WerewolfSynopsis Nasa sinapupunan pa lang si Scoth ay dala na niya ang sumpa na hindi magiging maligaya kapag nahanap na nilang magkapatid ang babaeng itinakda para sa kanila. Pero hindi iyon alintana sa kanya nang makilala si Celestine, at ibinigay rito an...