♠INTRODUCTION

62 3 0
                                    

"Huwag ka nang mag-aral!"

Dire-diretso si dad sa pagpasok sa mansion namin.

"Edi maganda." Sarcastic na sagot ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa dito sa sala habang si dad naman, padabog na naakyat sa hagdan.

"Dalawang buwan akong mawawala dito. Ikaw ang magsisilbing bantay ng bahay na 'to!"

"Ginawa mo naman akong si bantay, dad."

"Dapat lang sayo 'yon! Sawang-sawa na 'ko sa kakapunta sa school nang dahil sa pinaggaga-gawa mo!"

"Ano bang ginagawa ko?"

".................................EWAN KO SAYO!" Sabay walkout. Hihihi.

Hey, guys, ako si Shanaia Allison Dautry. 17 years of age. Sabi nila, bully daw ako sa school. Nung unang pasok ko sa school ko, gustong-gusto nila ang pagka-koreana ko. Ang ganda ko daw. Nakaka-tomboy daw ang hitsura ko. Hindi ko kayo ini-echos dahil ngayon ko lang din pinagmamalaki 'tong sarili kong mukha. Pero nung nagsalita na 'ko, para daw akong lalake. Hindi sa tono o tunog ng boses ko, yung bang panglalaki daw ako magsalita? Boyish kumilos at naging bully din ako sa school ko na 'yon. Ang dami ko kayang victims. Akala ng iba nakiki-one of the boys ako. Pero hindi, dahil kaya ko namang mambully ng kapwa ko kamag-aral kahit ako lang mag-isa. Oo, wala akong kaibigan.

Sikat ako sa school namin. Ako na daw ang pinakamasamang estudyanteng babaeng pumasok sa school na 'yon. Isang beses na din akong umulit sa 4th year. Oo, naging repeater ako. Kaya naman hindi na 'ko nagulat nung i-kick out ako kanina ni Mr. Roll-on(principal)

Mamimiss ko ang mga nerdy student sa school. Ano kayang pakiramdam kapag ikaw na mismong bully ang nabubully ngayon?

Ah. Alam ko na.

Mapag-tripan nga. Boring naman dito sa bahay kung hindi ako papasok sa school 'noh. Hahanap nalang ako ng school na mas exciting.

___________________________________________

___________________________________________

Hi guys. AJarOfSecrets' here. I need some help to spread my story. How I wish na may mabuting loob na tutulong sakin dito. Yun lang. Thanks. Help ko na din kayo. I'm willing to be your voter, reader or whatever you want me to be. But if you don't have some time to spread my story, follow me nalang then I'll follow back. Just really need a friend na makakasabay ko sa pag-gawa ng kwento.

That's all, guys. Thanks.

#AJarOfSecrets17

Pandemonium High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon