9th (Final)

18.8K 173 20
                                    

I tried reaching Carlo's phone pero hindi na katulad ng dati na nagriring ito. Palagi nang out of reach ang phone nya. Nagsampa na rin kami ng kaso sa mommy nya. Pero katulad ni Carlo, MIA din ang mommy nya.

Sa kabila ng nangyayari samin ngayon, nakayanan ko pa ring pumasok sa school. Ilang linggo na ang nakalipas simula nung insidenteng iyon at ilang linggo na ding hindi nagpapakita ang mag-ina. Syempre, hanggang dito sa school ay wala si Carlo.

Kahit galit ako sa pamilya nya, hindi ko maiwasang hindi masaktan sa nalaman kong katotohanan. Hindi ako makapaniwalang ganun ang pamilya nya. Nakakalungkot lang pero mas nakakagalit dahil napili pa nilang gaguhin ang pamilya ko.

Nakita kong pumasok si Rhian kaya nilapitan ko agad sya.

"Rhian." tumingala sya.

"Kori." bati nya sakin.

"Alam mo ba kung nasan si Carlo?" diretso kong tanong. 

"Huh? Akala ko ba magkasama kayo sa iisang bahay?" nagtatakang tanong nya.

Binatuhan ko sya ng pagkalitong tingin. "Hindi mo rin alam kung nasan sya?" tanong ko.

"Uhmmm... hindi ko sure? May iba pa ba syang pinuntahan?" mukha talagang clueless sya.

"Simula last week, hindi ko na sya nakita. Hindi na talaga nagpakita at hindi ko alam kung nasaan sya ngayon kaya ko tinatanong sayo dahil baka alam mo."

"Bakit nga pala sakin mo tinatanong? Hindi ko na sya boyfriend, diba?" 

So, wala na pala talaga sila. "I'm just asking dahil baka alam mo."

She smiled, "No, I don't know his whereabouts right now. Try mo kayang tawagan sya ngayon?"

"He's not answering his phone neither. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya, seriously." 

"Magpapakita din yun. Don't worry."

Dumating na ang prof namin. Hindi naman ako makaconcentrate sa pakikinig. Hindi ko kasi lubos maisip na nainlove ako kay Carlo na isang anak ng kriminal. Naiisip ko palang ang nagawa namin this past few days na magkasama kami bahay, hindi ko maiwasang hindi pagtaasan ng balahibo. 

"Sir, excuse daw po kay Kori. May nagpapahanap sa kanya dito sa labas." sabi ng isang estudyante sa may pintuan.

"Kori." tinawag ako ng prof at lumabas naman agad ako.

Lust FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon