"Alam mo ba na ang mata ng isang average na tao ay may 576 megapixels, imaginin mo kung camera 'yon. " panimula ko, sabay kagat sa burger na binili namin ni Jimin sa Angels.
Tinignan ako ni Jimin ng panandalian, bago siya tumawa ng bahagya at binuksan ang pack ng nerds,
" Talaga? di ko alam 'yon."
Napaismid ako at tinitigan ng matagalan si Jimin, di kalaunay napansin niya ako at nagtatakang tinanong kung bakit, "ang lamig ano?"
Napatitig siya ng matagal na waring iniisip kung may ibang meaning ba ung sinabi ko, maliban sa literal. "...Malamang umuulan ee." Sagot naman niya, bago sinalpak ang ilang candy sa bibig nya. Nanahimik siya ng panandalian bago ibinagsak ang sarili sa kama ko. "Nakakaantok." Pasimula niya,
"Anong oras na ba?" Tanong ko, at aakmang hahanapin ko na sana ung phone ko ng sumagot siya, "quarter to 7."
"Di ka uuwi?" Tanong ko ng may pagtataka.
Nilihis niya ang braso na nakatakip sa mga mata niya, at itinuon ang tingin sakin. "Sa tingin mo makakauwi ako ng ganyan?"
Well shit hun, k.
"Sorry okay, sorreh,"
Nag'snort ung loko, at ipinikit ung mata. Napatulala naman ako sa kawalan habang patuloy na inuubos ung burger, "walang chili sauce." Reklamo ko.
"Naubos."
"Wala ring cheese."
"Out of stock."
"Kulang ung sesame seeds. Anim lang andito."
"Tangina, ilan ba dapat?" Tanong niya.
"Pito."
"ㅡwow."
"...walang ketchup."
Napaupo siya ng di oras, "seryoso?" Tanong niya, na-alarma.
"Lol."
Hinampas niya ako ng napakahinhin, "wag kasing ganon. Kinabahan ako."
"Why tho?"
"Kakainin mo ba ang burger na mayonnaise lang ang nasa loob?"
"...to be honest, oo."
"Iba to. " Sabay hagalpak ng tawa.
"May patty pa din e! Magreklamo ka kung buns lang at mayonnaise to." Saad ko, sabay lunok.
"Sayang ung bentesingko!" Sabay tawa ulet nung mokong,
"Buy 1 take 1 daw, e hinahati naman nila sa dalawa ung patty, andadaya. Sarap nilang i-reklamo sa korte."
"Kumbaga isa lang talaga ang nabinili mo. Wais."
Talagang di siya tumitigi, sa pagtawa e. "Ulol, pera mo ginamit dito."
Natigilan siya sabay hablot sa burger ko, "libre ko na nga e!" Saad niya, at kumagat ng pagkalaki laki sa burger ko.
Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi niya inasahan. Sinunggaban ko sya na parang asong ulol na nakakita ng diaper. Pero the worst happened.
Nabitawan niya ung burger,
Gumuho na ang lahat ng pwedeng gumuho. Wag lang ang pagkaing di mo pa natatapos kainin.
Tila natigilan siya sa paghinga nung mga oras na naibaling ko na ung tingin ko sakanya,
"Ikaw na kumagㅡ"
*brown out*
"Tangina." Nasambit ko,
Wala akong makita, pero rinig ko ung malalim na paghinga ni Jimin at alam kong malapit lang siya sakin.
"Jimin..."
"Yeh?" Sagot naman nung bisugo.
"Asan ka?"
"Teka...." nakarinig ako ng kaluskos, at bahagyang tunog ng paa na sumasagi sa sahig.
"Malapit sa pinto, may nahawakn akong doorknob e. " saad niya.
"Oh..."
"Bakit ba? Takot ka?" Naririnig ko sa tono ng boses niya na natutuwa sya.
"Hindi..."
"Ano ngarod ay? Lalabas tayo? Kuha akong kandila at posporo. "
"Alam ko ginagawa mo," saad ko.
"....ano?"
"Tumatakas kang bisugo ka!"
"...shiteu."
YOU ARE READING
imagines | p.jm 박 지민
FanfictionJimin's one shot collection! ❝ PARK JIMIN X READER ❞ [ C O M P L E T E D ] DISCLAIMER: I DO NOT OWN the photos/videos/ nor Park Jimin himself (BTS), being brought up/presented/introduced within this story. All belong to their rightful owners. [I...