From: +63956*******
Psssst?
Ilang beses ko nang binubuksan at tinititigan ang message na 'to. Re-replyan ko ba? Paano kung hindi pala 'to yung ni-rereto ni Jawo?
Hintayin ko kaya magtext ulit at hayaan siyang magpakilala ng kusa?
Katataposko lang tumulong kay nanay magluto ng menudo para sa Media Noche. Tumingin akosa cellphone ko, may nagtext. Siya na ata.
From: NDRRMC
1/2 Inaasahan ang matinding pag-ulan sa...
Punyeta. Umasa na naman ako. Pero appreciated ko naman ang pag-inform, salamat NDRRMC.
"Dora! Mag-aalas dose na! Labas na dito," sigaw ng nanay ko mula sa labas.
5... 4... 3... 2... 1...
HAPPY NEW YEAR!!!
Naging masaya na naman ang pagpasok ng taon.
Mamaos-maos ako mula sa pagkanta sa karaoke. At lumulobo sa tuwa ang bilbil ko sa pagkain ng mga masasarap na putahe.
Tuminginulit ako sa cellphone ko. Baka naman.
From: NDRRMC
2/2 Mag-ingat at siguraduhing ligtas ang sarili at pamilya.
...
Walanghiya.
Asadong siopao,kingina. Bahala na, itetext ko nalang. By the way, thanks NDRRMC
To: +63956*******
Happy New Year!
Uy, nagreply agad! "Kilala mo 'ko?" 'ika niya.
"Hindi. Hehe," pabebe muna, Dora.
"Hindi kinuha ni GD 'yung number mo. Si Top 'to. Haha. Happy New Year!"
Ay, punyeta. Si GD yung ni-rereto ng beshy kong si Jawo. Si Top... kapatid ni Jawo na tropa ni GD.
Okey, first of all, nag-reto si Jawo sa'kin para magkaroon na 'ko ng lovelife. Pero hindi naman sa disappointed ako, package na nga 'yan si Top, magaling sumayaw, maganda boses, marunong maggitara, havey magpatawa, may hitsura, at higit sa lahat matalino. Ang akin lang, kapatid siya ng tropa ko. Kasi 'diba may universal rules ang solid na tropahan: Una, kung tropa, tropa lang walang ligawan; at pangalawa, OUT OF LIMITS ANG KAPATID NG TROPA. BAWAL SYOTAIN, OR LANDIIN IN ANY KIND. EVER.
"Kung wala lang daw girlfriend si GD, eh. Haha pasensya na, cellphone ko kasi talaga yung pinagtype-an mo ng number mo kagabi. Hehe."
Girlfriend? Ay lintek mag-matchmake ni Jawo, gagawin pa 'kong third party.
"Ah, hahaha. Ikaw lang pala 'yan, ayos lang, at least sa wakas ma-se-save ko na rin 'tong number na 'to," nilagyan ko ng emoji na tumatawang namamawis. Awkward.
"Sorry talaga ah, alam ko namang si GD 'yung gusto mo eh." Hala, gago pa-cute.
"Tanga, wala akong gusto. Tinutulak lang siya sakin ng kapatid mo. Binigay ko lang din number ko dahil gusto ko ng ka-text saka bagong kaibigan." LELANG MO DORA, BAGONG KALANDIAN KAMO. HAHAHA!
"Ah, eh 'di wala ka palang boyfriend. 'Diba mag-ex kayo ni Jawo?"
"Gagi, san mo napulot 'yan? Mag-beshy lang kami."
"Eh kasi parang highschool sweethearts kayong dalawa?"
"Asaran lang 'yon. Known kasi sa buong section na may crush siya sa'kin noon."
"Ahhh. Yieee."
Mumurahin ko na sana siya. Alam niya namang may change of heart na si Jawo dahil kapwa lalaki na rin ang iniibig, kaso may sunod siyang reply.
From: Top
Ako rin. Crush kita.
Kingina.
Naihagis ko iyong phone ko. At naramdaman kong nag-init ang mukha ko.
Pumikit ako habang telepathically siyang nirereplyan, "You're a catch, Top, but the pact still remains."
Kung si Jawo ay may change of heart. Ako...
Ako ay may change of SIM card.