Sino Nga Ba?

101 7 5
                                    

Sino Nga Ba?

"Sissie! Eto na! Finals na! Squee!" sigaw ko kay bestie habang papasok sa stadium. Bakit ba ako sigaw ng sigaw? Well, kasi nga! Finals na ng UAAP tapos Ateneo vs. La Salle pa yung maglalaban.

"Yiee!! Nakahanda na yung sako at tali, sissie!" sabi naman ni bestie. Syempre joke lang yun. 

Naupo na kami sa side ng La Salle malapit sa bench! Nandyan kasi si Jeron. Tsaka mura lang naman yung ticket kapag UAAP. Kaya nilubos-lubos ko na. Ang swerte namin! Naka-jackpot kami sa tapat ng bench. 

Yan na! Palabas na sila! Pinapakilala na sila! Nasa harap ko na sila! Kyaaah! Nakatingin siya sa akin! Maygash! Yan na! Nagmi-meeting na sila! Squee!! Ang saya-saya ko! Natupad na yung pangarap kong makita siya sa personal. Aish. Nakalimutan ko pala na Ateneo yung kalaban nila. Nandito din si Kiefer! Yehey! Pero hindi ko pa siya nakikita. 

"Naman kasi! Kilig na kilig ka diyan kay Jeron, hindi mo tuloy makita si Kiefer," sabi ng right side ng isip ko.

"Hoy! Si Jeron ang pinunta natin dito, hindi si Kiefer!" sabi naman ng left side ng isip ko.

Luh? Nagtatalo yung magkabilang panig ng isipan ko? Anong klaseng isip to! May sariling isip ang isipan ko! Waahh!! Baliw ba ako, o sadyang ganyan yung buhay. Luh? My thoughts! Anyare! My mind and thoughts! 

"Tumahimik nga kayo!" sabi ko.

Mukhang narinig nila yun. Natahimik na rin ang ulo ko. 

"Sissie, ok ka lang?" tanong ni bestie.

"Oo naman. Medyo na-iingayan lang ako."

Ayan na! Nag-start na yung 1st quarter. Ang galing nila! Grabe! 

"Go sexy, go sexy, go sexy sexy love!" sigaw ko habang sumasayaw. Feel na feel ko yung Athena vibe, ok? Wag niyong sirain yung moment ko. Alam kong nakakahiya ang ginagawa ko ngayon kasi hindi naman to taping ng She's Dating The Gangster. Nga pala, si Jeron si Sexy love ah.

Yehey! Naka-three points si Jeron! Nag-dunk si Kiefer! Ang galing talaga ni Kiefer! Proud na proud talaga ako kay Kiefer! Ang galing! Kaya love ko to eh.

"Hoy! Sino ba talaga ang pinunta natin dito, si Kiefer o si Jeron?" sabi ng left side ng isip ko.

"Silang dalawa," sagot ko.

"Sinong silang dalawa?" tanong ni bestie. Aysh. Malakas pala ang pagkakasabi ko.

Sino Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon