It wasn't a bad day today. Well it wasn't a good day neither.
Pagkagising sa umaga, bigla biglang tatayo, iisipin kung ano nga bang gagawin, yuyuko at ipipikit ang mga mata, mananalangin, na sa bagong araw na dumating nawa'y ang pusong nadurog, sa wakas mabuo na rin.
Hindi sa pagmamadali, ngunit bakit nga ba hindi? Kung hiling lamang nang puso ay ganun kasidhi, na sa simpleng hangaring mapawi ang sakit at pighati na pinilit na isinisiksik sa gilid ng maskarang unti-unting nababasag; nasisira.
Maskarang unti-unting nadudurog, nagkakandapira-piraso kasabay ng pusong pagod ng magpanggap, sa pagaakalang matatanggap na rin sa wakas ang salitang "hindi na nga pwede".
Ung sakit?
It wasn't a joke. Lalo na noong narealize ko sa sarili ko na wala na nga talaga kaya wala na kong dapat ipilit pa dahil umpisa pa lang mali na.
It wasn't the same dream anymore;
It wasn't the same feeling anymore;
It wasn't the same day, shirt, pair of eyes, flower nor coffee anymore; and
most especially, it wasn't the same me anymore.