"Naranasan mo na bang?....."

205 4 0
                                    

"Naranasan mo na bang.."

1. Masabihan ng "Panget" ng crush mo?

---Ouch diba? Super,pero syempre,isipin mo nalang,*Bakit sabi ng nanay ko maganda/gwapo ako?* Tsaka wag nalang masyadong dibdibin,yung iba kasi nag-iinarte pa eh.kesyo naglalaslas o nagiging mesirable sa pag-aaral.HELLO?! Crush lang yun,paano pa kaya kung yung mahal mo na yung nagsabi sayo ng ganun? Edi tumalon ka na sa tulay kung nagkataon?Tsaka ang magandang ganti sa crush mo kapag sinabi nya yan sayo,"Wala akong pakielam sa opinyon mo,basta para sakin,MAGANDA/GWAPO AKO!!" sabay walkout..O diba? Napahiya na ang crush mo,pagtitinginan ka pa ng mga tao!^O^

2. Maging kaagaw ang isa sa mga nagiging kaibigan mo?

--- Ay ako oo!! Sheyr lang,yung ginawa ko? Wala.Oo masakit syempre,pero hindi ko pinakitang nasasaktan ako. For what pa? Eh wala naman na akong magagawa kasi

yung gusto ng gusto ko eh yung kaibigan ko. Bakit,kapag ba sinabi ko sa kanyang " Nasasaktan ako" mapapalitan ba agad yung nararamdaman nya para sa kaibigan ko?

Hindi naman diba? Sayang lang ang effort mo. So pabayaan nalang natens..>.

3. na halos lahat ng nagiging boyfriend mo o girlfriend mo eh niloloko ka?

--- Kung nangyari sayo to,malas mo katulad ko.Hahaha.Joke lang. Syempre hindi naman maiiwasang tanungin mo sa sarili mo," Bakit ba nangyayari sakin to?"o kaya naman "Ano ba yung nagawa kong mali?"... Sa totoo lang,wala..Wala kang kasalanan kung bakit nangyari sayo yun,kung hindi sya.. Bakit nya sasabihing"Mahal na mahal kita" kung sa bandang huli eh lolokohin at iiwan ka din pala. Hindi ba pwedeng sabihin nya "Mahal kita ngayon,bukas hindi na". Diba?Atleast alam mo na,hindi yung nag-eexpect ka na hindi ka nya magagawang lokohin,na hindi ka nya kayang iwan tulad ng sinabi nya sayo.

4. Mag-text sayo yung Ex mo ng " Mahal na mahal padin kita,pwede bang tayo nalang ulit?"

---KALOKOHAN YAN!!! Makikipag-hiwalay ba sya kung mahal ka talaga nya? Siguro nakipag-break na sya dun sa girfriend o boyfriend nya kaya sinabi nya yan.Pero kahit na!Ano ka,reserba nya? Excuse me lang,ang kapal ng mukha nya!

5. Yung parang lahat nalang ng lalaki sa mundo sinisisi mo dahil sa mga naranasan mo?

--- Hindi naman kasi talaga maiiwasan yun,syempre maiisip mo na pare-parehas lang sila,kesyo lalaki ka man o babae ka. Nasaktan ka eh,may magagawa ba sila? Try nilang lumugar sa sitwasyon mo,tingnan natin kung hindi sila mabaliw kagaya mo..

***********************************************************

May susunod pa yan...Abangan..XD

----zeline_kurt

"Naranasan mo na bang?....."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon