5.Naranasan mo na bang maging bitter?

34 0 0
                                    

5.Naranasan mo na bang maging bitter?

Ampalaya.
Minsan gulay,madalas ikaw.

Palagi nating naririnig yan,lalo na kapag iniwan ka tapos pinagpalit ka lang pala sa mukhang ampalaya? Ay naku! Kulang nalang pagbuhulin mo na silang dalawa at isabit nalang sa bakuran mo.

Pero bakit nga ba nabibitter ang isang tao?

Ito ay dahil hindi nya alam o hindi nya matanggap kung bakit iniwan sya o di kaya ay pinagpalit sya.

Nag-iisip sya ng mga negative. Lalo na kapag nakakakita sya ng mga couples na HHWW pa,dyan! Dyan naglalabasan ang mga bitter!! (Aray!)

Maghihiwalay din yan!!

Walang forever!!

Papangit nyo!!

Ganyan ang madalas na mga linya ng mga bitter. Pero alam nyo ba ,na ang pagiging bitter daw ay nakakasama sa kalusugan.

Dahil nga madalas tayong nag-iisip ng masama, naapektuhan ang puso at isipan natin. Nakalimutan ko na kung saan ko nabasa,pero nagsasabi ako ng totoo guys. Promise.

Kung bitter ka man ngayon,itigil mo na. Wag mo nang gayahin ang nagsulat nito dahil palagi naman syang nag-iisip na walang forever,na ang pangit ng nilalandi ng ex nya,na ang pangit ng ex nya at maghihiwalay din sila. O diba? Sabi ko naman sayo walang magandang magagawa ang pagiging bitter.

Tsaka sayang lang ang oras. Maghanap ka na ng pwedeng landiin para hindi kana bitter dyan! Dali na! Go na! Aura na sa daan! Joke lang. Hahaha

Basta tandaan nyo nalang: Walang mangyayari sayo kung patuloy ka paring magiging bitter. Masasayang lang ang oras mo. Ituon mo nalang sa ibang bagay ang isip mo. Magpaka-busy ka sa mga makakabuluhang bagay.

Tagares. Ang daling sabihin,ang hirap namang gawin. Hindi ako bitter ah! Slight lang. Wahahaha.

"Naranasan mo na bang?....."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon