NBSB 1

3 0 0
                                    

Minsan, hindi mo alam kung nanadya ba ang tadhana o nang-aasar. Sino ba naman ang matutuwa kung aabutan mong " Perfect " ni Ed Sheeran ang kanta sa Cafe at napaka-daming couples and nasa paligid. Bitter na kung bitter. Nakakairita lang talaga.

Isang pag-tawag sa pangalan ko ang aking narinig habang kumakain ng malungkot dito sa Cafe.

" Anong kailangan?" masiglang tanong ko. Baka mamaya, may nagpapatanong ng pangalan ko. Baka darating na si The one!

" Pinapatawag ka ni Mrs. Sanchez sa faculty. May iiutos daw sa'yo." Saad ng babae. Muling bumalik sa pagiging malungkot ang aking mukha. Ako na ang ashuming. Ako na talaga!

Hinawakan ko ang coke in can at burger ko at tsaka tumayo. " Sige, pupunta na'ko."

Nag-lakad na'ko at tinahak ang hallway ng mag-isa. Wala naman na sa'kin ito dahil sana'y na'ko. Yan naman lagi ang buhay ng isang Rein Dominguez. That's my description.

Naabutan kong busy si Mrs.Sanchez sa paglilinis ng kanyang table.

" Hello po Ma'am," pag-bati ko. Bahagya s'yang nagulat.

" Andito kana pala. May gusto sana akong hinging pabor sa'yo." Ngumiti s'ya ng malaki sa akin na nag-bigay ng kaunting kilabot sa aking katawan.

" Ah hehe, ano po ba yon?" nag-aalangan tanong ko. Buti nalang talaga at medyo close kami ni Mrs. Sanchez. Iisipin ko sigurong baliw ang matandang to pag-nagkataon.

" Diba single ka? Baka naman pwede mong i-blind date yung pamangkin ko. Pihikan kase eh, Tsaka sobrang focus sa pag-aaral."

" B-blind date po?"

" Oo! Sandali lang naman yun, at isa pa, Mabait naman yung pamangkin ko."

Thank you Lord! Eto na ata yung pinaka-hihintay ko. After 18 years of existence, makakaranas na din ako ng isang date. Tumatalon ang puso ko dahil sa tuwa.

" Uhm... Kailan po?" tanong ko.

" Mamayang gabi. Wag kang mag-alala. Sagot na nung pamangkin ko yung venue ng date n'yo. For sure, ma-iinlove sa'yo yun. Ang ganda mo kaya!" Hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil sa mga sinabi ni Mrs. Sanchez. Akalain mong may nakaka-appreciate pa pala ng itsura ko.

" Sige po. Text n'yo nalang po kung anong time. Thank you po, Ma'am." pagpapaalam ko.

Hindi ko maiwasang isipin kung anong itsura ng ka-blind date ko mamaya. Kamukha kaya s'ya nung mga napapanood ko sa k-drama? Or kamukha n'ya yung mga leading man sa Thailand love story? Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite dahil sa kakaisip.

Umikot-ikot ako sa hallway ng school dahil sa kilig. Hanggang sa bigla nalang akong mabunggo ng isang lalaki.

" Ah sorry kuya! Hindi ko sinasadya. Sorry po."

Hindi n'ya ako pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad. Sayang, itsura pa naman. Kaso mukhang badtrip sa buhay. Ngumingiti pa kaya s'ya?

Nakabalik nako sa aking klase. Lumilipad man ang isip ko dahil sa date na magaganap mamaya, pinilit kong makinig sa aming lesson.

Buti nalang at last subject na. Ngunit hanggang ngayon ay date pa rin ang nasa isip ko.

" Ms. Dominguez!"

Napasigaw ako dahil sa gulat. "Ay blind date!"

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang aking bibig dahil sa aking nasabi. Nag-simula nang ma nukso ang aking kaklase. Nakakahiya ka talaga Rein!

" Would you mind to explain your thoughts, Ms. Dominguez?" tanong ni Mrs. Orvilla. Ang shunga mo naman kase Rein!

" Uhm, wala po 'yon. Pasensya na po."

Ang sumpang tinatawag na NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon