Nagising ako ng bandang 5:30. Nakatingin sa salamin. Tinatanong ang sarili kung pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why? Bakit wala pa rin akong jowa? Ni minsan, hindi ko naranasan maligawan. Akala ko pagdating ko ng 17 years old, magsisimula ng lumevel up ang lovelife ko. Akala ko lang pala ang lahat.
Bumaba ako ng sala at naabutan kong nag-hahanda si Mama ng almusal. Nandon na si Papa at ang aking kapatid na si Reik. Kaya't no choice ako at bumaba na din.
" Andito na pala ang mahal na prinsesa ko." Sambit ni Papa. Hinalikan ako ni Papa sa noo. Yumakap naman ako sa kanya.
" Oh kamusta yung date mo kahapon? Sucessful naman ba? Mayaman ba yung ka-date mo?" Tanong ni Mama.
Napairap ako. " Mayaman s'ya Ma. Kaso wala talaga s'yang balak mag-lovelife. So sad to say, hindi kame compatible sa isa't-isa." Umupo ako sa tabi ni Kuya Reik at kumuha ng sinangag at Hotdog.
" Ano ba yan! Akala ko pa naman makaka-jackpot ka ng mayaman! Hayaan mo na't kumain kana at baka ma-late kapa sa klase mo."
Masaya kaming nag-kwentuhan tungkol sa naganap sa amin kahapon. Napuno ng tawanan ang almusal namin. Even though tatak Nbsb ako, masaya pa rin ako dahil kumpleto kami at saba'y-saba'y kaming kumakain.
Nakatapos na ang bawat isa sa amin kumain. Hinatid ako ni Papa sa school gamit ang kanyang motor.
" Mag-iingat ka anak ha? Galingan mo sa pag-aaral."
" Opo Papa! Bye po!" Paalam ko. Humalik ako sa pisngi ni Papa at niyakap ito.
Tumakbo na'ko papunta ng building namin. Maraming estudyante ang nag-kalat sa hallway dahil may ilang minuto pa bago mag-simula ang klase. Dali-dali akong tumakbo sa aking classroom. Nadatnan ko ang bawat isa na may kanya-kanyang ginagawa. May nag-lalaro ng kanilang cellphone, nag-babasa ng notes at nag-dadaldalan.
" Rein! Tara dito! Dali... " Pag-tawag sa akin ni Sophie. Isa sa mga Bestfriends ko. Ipinahawak n'ya sa akin ang isang tablet. May litrato dito kung saan naka-lagay ang mga tanong na " Walang lovelife? Mag log in na at subukan ang app na ito."
" Ano yan?" Pag-tatanong ko. Ibinaba n'ya ang kanyang tablet at tumingin ng walang reaksyon sa akin.
" Ano paba? Edi dating application. Pwede kang makahanap ng jowa dito Rein. Eto na yung solusyon sa sumpang dumapo sa'yo!"
Inilapag ko ang aking bag sa aking upuan at tsaka bumuntong hininga.
" I don't want to fool myself anymore. Hayaan nalang natin. Basta ako, kung sinong man ang dumating sa buhay ko, maski pangit o gwapo. Buong puso ko s'yang tatanggapin." Determinado kong saad. Bigla naman umirap si Sophie sa akin.
" Baka kakahintay mo, Aso na pala ng kapitbahay n'yo ang dumating para sa'yo. Wish you goodluck bes."
Dumating na din ang aming teacher sa Discipline. Itinutok ko ang aking atensyon sa lesson.
Halos 45 minutes nang nag-tuturo si Mrs. Aquino kung kaya't mapapansin mong iilan nalang ang nakikinig sa kanya. Isa na ako doon.
" Get a 1/4 sheet of paper. This will be your 3rd quiz to my subject."
Napa-simangot naman ang karamihan sa amin. Inilabas ko ang 1/4 sheet paper ko sa bag. Isa-isang nag-si kalabitan sa aking likuran ang aking kaklase kaya't wala akong nagawa kundi bigyan. Kailan kaya bibili ng sarili nilang gamit ang mga to? Kailan kaya hihinto ang pagiging sponsor ko ng papel sa kanila? Sa graduation?
Sinimulan ng sabihin ni Ma'am ang mga tanong. Napa-lingon ako sa bintana ng makita ang pamilyar na mukha. S'ya yung lalaking nakabungguan ko at nakita sa restaurant na umiiyak. Okay na kaya s'ya?
BINABASA MO ANG
Ang sumpang tinatawag na NBSB
HumorMay isang kilalang sumpa ang kumakalat hindi lamang sa Pilipinas, at lumalaganap na din maski sa ibang lugar. Ang sumpang ito ay tinatawag na NBSB o " No boyfriend since birth" Isa kaba sa nakakaranas ng sumpang ito? Ano kayang mahika o dasal ang k...