CHAPTER 4-"Ang Diwata ng Kadiliman"

4 2 0
                                    


Pirena POV

Umalis ako ng palasyo dahil alam kong hindi nila ako mapapatawad sa nagawa ko.Nagawa ko naman yun dahil hindi ko matanggap na si Amihan ang magiging Reyna ng Palasyo.


Humanda silang lahat sa paghihiganti ko hinding-hindi ko sila mapapatawad at sisiguraduhin kung ako mismo ang tatapus sakanila.


Lalong-lalo na ang Amihan na yan Pashnea siya marami na siyang naagaw sa akin.Hinding-hindi ko palalagpasin ang nangyari at hindi papayag na ganun-ganon nalang.


Nandito ako sa labas ng kaharian umiiyak at sumisigaw.Pero parang may naramdaman akung kakaiba.


"Sino ka?Alam kong nariyan ka magpakita ka sa akin."-ika ko


Nag evictus siya sa harap ko at nagulat ako nang nakita ko siya.


"Avisala,Sanggre Pirena ang panganay na anak ni Minea."-ika niya


"Warka bakit mo ako kilala at sino ka?"
(Warka=Bruha)


"Ako si Avria ang diwata ng kadiliman na naghiganti din sa mga kapatid ko dahil sa kapangyarihan katulad nang naranasan mo pinagtaksilan ng mga kapatid kaya naranasan ko na yang pinagdadaanan."

"Teka paano mo naman nalaman ang tungkol sa akin?"

"Kagaya nang sinabi ko ako ay isang diwata na may kapangyarihan na makita ang lahat ng nangyayari sa Encantadia."

"Paano naman ako nakasisiguro na kakampi kita?"

"Tutulongan kitang pabagsakin ang mga kapatid mo at ikaw ang magiging reyna ng Encantadia."

"Pasensya kana hindi ako basta-basta magtitiwala ng hindi ko kilala."


"Hindi kita pipigilan sa pasya mo pero tandaan mo mas kailangan mo ko lalo na't hindi mo kaya talunin ang mga kapatid mo na nag-iisa."

Paalis na siya pero nagdalawang isip ako kong kakampi ba ako sa warka nato.

"Sheda Avria wala naman akong mapipilian kaya sasama ako."
(Sheda=Tigil)

"Mabuti naman kung ganon kumapit ka."

Dinala niya ako sa kanyang kuta.Ang daming mga kawal na nakapalibot.

"Dito ka na muna magpapahinga kung may kailangan ka tawagin mo lang si Gurna ang aking mashna ng hukbo."

"Avisala Eshma sa iyong tulong Avria."-ika ko

"Walang anuman sige na magpahinga kana dahil bukas na tayo magplano ng ating mga hakbang laban sa mga diwata."-ika niya

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina lumabas muna ako sa aking silid.Paglabas ko sakto nakita ko si Gurna marami pa akung katanungan sa kanya.

"Oh diwata bakit gising ka pa?"-Gurna

"Gusto lang kita makausap Gurna tungkol Kay Avria."-ika ko

"Ah si Avria mahirap ang pinagdaanan niya noon katulad mo pinagtulongan siya ng kanyang mga kapatid dahil muntik na niyang mapatay ang kanyang ina.

FLASH BACK.......

Avria POV

Nagpasya ang aming Ina nasi Bathalang Haliya para sa magiging Dyosa at Susunod sa Yapak niya.

"Malaya ikaw ang napili kong susunod sa aking trono at sayu ko ibibigay ang aking kapangyarihan bilang isang Dyosa ng Araw."-Inang Haliya

"Avisala Eshma Ina sa tiwala na ibinigay mo at pangako hindi ko sisirain ang tiwala ibinigay mo upang magampanan ko ang aking tungkulin."Malaya ang aking kapatid

Nakaramdam ako ng inggit at galit.

"Ikaw naman Cassiopea ikaw ang gusto kong maging Dyosa ng Buwan at mga Bituin."

"Avisala Eshma Ina sa ibinigay mo pangako po gagawin ko ang tungkulin ko bilang isang Dyosa."-Cassiopea

Hindi ko mapigilang umiyak at kumuha ako ng sandata upang paslangin si Malaya.

"Sheda!Avria"-Inang Haliya

"Hindi ako papayag Ina na si Malaya ang Pinaka makapangyarihang sa aming tatlo dapat Ina ako!ako!."nagagalit na sabi ko

"Dahil sa ginawa mo Avria kahit anak kita paparusahan parin kita na hindi kana makapalit pa dito sa Devas dahil muntik mo nang mapatay ang kapatid mo."-Haliya

"Hindi ako natatakot Ina gawin niyu ang gusto niyong gawin pero ito ang tandaan niyo kalimutan niyo na pamilya niyo ko.Ina kalimutan mo na naging anak mo ako at kayung dalawa kalimutan niyu rin na naging kapatid niyo ako.Simula ngayon kakalimutan ko na naging pamilya ko kayo."-sabi ko

"Ipinapangako ko na wawasakin ko ang mundong ito at guguluhin ko ang mga nilalang sa Encantadia at sisiguraduhin ko na ako mismo ang papaslang sa inyo."

"Avria! anak."-Inang Haliya

"Hayaan niyo siya ina kung yan ang gusto niya wala na tayung magagawa."-Malaya

"Umalis kana at sisiguraduhin mong hindi kana babalik dito at subukan mo lang saktan ang mga nilalang sa Encantadia ako mismo ang makakalaban aking Hadiya."-Cassiopea
(Hadiya=kapatid)

FLASHBACK END.........

Pirena POV

Pareha pala kami ng pinag-daanan kaya pala sinabi niya na naranasan niya ang naranasan ko dahil kinalaban din pala niya ang Ina at kapatid niya.

"Hindi pala madali ang pinagdaanan ni Avria ."-ika ko

"Kaya nga nagpalakas siya upang matalo niya ang kanyang mga kapatid."-Gurna

"Dalawa kaming lalaban sasamahan niya ako sa laban ko sasamahan ko din siya sa laban."-ika ko

"Avisala eshma Pirena kung nag-alala ka kaya wag na mapahamak pa ang buhay mo tska hindi mo kakayanin ang mga kapatid ko masyado silang malakas upang talunin."-Avria

"Nariyan ka pala kaniya kapa ba dyan?"-ika ko

"Bago pa lang naman."-

"Pasensya kana kung nakitanong pa ako sa nakaraan mo nais ko lang malaman ang
nakaraan mo."-ika ko

"Sige na Pirena magpahinga kana."

Itutuloy......

Author note:mga readers ano kaya sa tingin niyu ang plano ni Avria?Abangan sa susunod na kabanata😀😜

THE 4 ELEMENTS(Battle of the Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon