"Janna kumain ka na sige na oh niluto ko ang paburito mong pag kain sige na kain ka na please ." Nagmamakaawa na saad ng yaya ni janna .
"Ayuko !ayuko ayuko! I want my dad . Call him now . I want to see him!!! . " pag mamaktol ni janna .
Beep beep ...
Nagulat sila sa tunog ng busina ng kotse .
Agad itong sinilip ni yaya crusita
"Ayan na ang papa mo " ani yaya kay janna . .
"Ang papa ko? " . Gulat at tuwang tuwa si janna ng marinig nyang dumating ang kanyang papa . .
Halos di maipinta ang kanyang tuwa at galak.
Bihira lang kasi umuwi ang kanyang papa ..Buwanan ito kung umuwi.
Kaya sabik na sabik sya sa pagmamahal ng kanyang ama . .Dali dali itong lumabas upang salubungin ang kanyang papa .
"Papa!!! ." Sigaw ni janna na tuwang tuwa habang sinasalubong ang papa nya .
Kagaya pa rin ng dati napakadaming laruan ang pasalubong ng kanyang papa.
"Wow new toys . Thank you papa . I love you." Aniya janna sabay halik sa pisnge ng kanyang papa ..
"Do you like it ??" Saad ng kanyang papa .
" opo"
"Kaso mas gusto ko pa rin pong andito ka lagi .. puro na lang si yaya ang nakakasama ko . Gusto ko pong dumalaw sa inyo sa probinsya na mimiss po kasi kita eh . " saad pa ni janna na may lungkot saknyang mukha .
Bagamat maraming laruan ito . Hind pa din sya masaya sapagkat hind laruan ang kailangan nya kundi ang kalinga ng kanyang ama.
Tumingin pa ng diretso ang kanyang papa saknya at hinawakan ito sa balikat .
"Anak alam mo naman na nag tratrabaho ang papa mo sa probinsya diba? Hind ako nagbabaksyon lang dun . Kaya mas mabuti kumain na lang tayo . Halika " aniya papa nya .
"Pero papa kailan mo ba ako isasama doon ?? " anya janna
" 7 yrs old ka palang anak siguro kapag college ka na ituturo ko na rin sayo ang mga nasimulan ko sa bussiness ko " pagpapaliwanag nito kay janna .
"kaya ngayun ang kailangan mong gawin ay kumain ng kumain upang lumaki ka agad. " biru pa ng papa nya .
"Sige po papa hihintayin ko po ang college ko . Para makasama na kita parati . Pagbubutihan ko po . " saad pa ni janna .
" sir okay na po ang pagkain . " anya crusita .
"O anak tara na pasok na tayo .dalhin mo na toys mo ." Ani papa nya at pumasok na ito .
Habang papasok na sya . Isang tunog ang narinig nya mula sa likod ng kotse ng kanyang papa .
Pagtataka nito .
Kaya nya ito pinuntahan .
Nang makita nya.
Naka angat ng konti ang trangkahan sa likod ng kotse ng kanyang papa
Nang akma nya itong isasara .
Isang kamay ang pumigil dito .
Naaagnas na kulay ng kamay ang bumulaga sa kanya .
Gulat na gulat si janna .
Sa sobrang takot sa nakita nya ay napaatras sya at napaupo ito sa kinatatayuan nya."Janna " isang tawag ang narinig nya mula doon .
Sa puntong yun ay sobrang takot na takot na ito .
Pero binuksan nya pa rin ito . .
Dahil gusto nya malaman kung anu ba ang nakita nya ...