Kaibigan lang at hindi para sa isa't isa

7 0 0
                                    

Nagsimula sa isang asaran,
Asarang nauwi sa pagkakaibigan,
Pagkakaibigang nahulog ang isang ako,
Ako na nagmahal ng patago.

Mula ng tayo'y magkakilala,
Buhay ko'y nagkaroon ng kulay at sigla,
Sa t'wing tayo'y magkasama,
Problema'y napapaltan ng saya.

Sa t'wing nagtatagpo ating mga mata,
Puso ko'y tila may idinidigta,
Di alam kung anong nadarama      Ako nga ba'y tuluyang nahulog na?

Pilit ko itong itinatago,
Dahil ako'y takot na ika'y magbago,
Kaibigan na nga lang ang turing mo,
Iiwasan mo pa ang isang tulad ko.

Alam mo minsan ako'y nagpipiling,
Minsan naman iniisip
Na sana maging tayo,
Kahit alam ko na Malabo.

Alam kong ika'y may ibang mahal,
Kaya naman ako'y nasasaktan
Pero masaya parin ako para sayo,
Kasi natagpuan mo na ang kukumpleto sa buhay mo.

Sana tama ang tadhana,
Sana puso mo'y tama ang idinigta
Sana sya na nga ang forever mo,
At sana hindi ka iwan ng mahal mo.

Kung ika'y kanyang iwan,
Ako'y nandito kahit bilang kaibigan
Pwede mong iyakan,
Ika'y aking dadamayan.

Mahirap man tanggapin,
Pero aking pipilitin
Dahil tayo'y hanggang kaibigan lang
At hindi itinadhana sa isa't isa....


~••cttro••~

∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×∆×

A/n:I just want to thanks to my friend for this poem hehehe thanks

Tula ko,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon