Payong Love story (ONE SHOT)

726 13 9
                                    

GAWIN NATING MAKABULUHAN ANG ARAW NA ITO!

HER POV

“HOY! Gising na!” sigaw ng panget kong kapatid.

Tsk.

Gising na naman ako eh.

Nakakatamad nga lang tumayo, maulan kasi.

Nagsimula na naman ang tag-ulan. ANO BA YAN!!

Hayst.

May pasok pa naman!!

Nakakatamad umalis ng bahay pag ganito ang panahon.

Mas okay pang matulog magdamag.

Yakapin ang unan!

Magtalukbong ng kumot!

HAY SARAP.

Hayahay ang buhay!

Watalife!

“Ate Amber ano ba? Hindi ka pa ba babangon dyan?”

Nako.

Nako.

Nako.

ANG INGAY!

Daig pa yung manok kung makatilaok!!!

“Gising na ko! Wag ka ng maingay!”

“Bumangon ka na kasi!! Pag na-late ka ako na naman ang sisisihin mo!’

“Mauna ka na sa school! Tigilan mo ang pagsigaw!!!”

BOOGSH!

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

“Oh anong problema mo? Mauna ka na sa school”

“Wala akong payong eh”

“Tss. Payong lang pinoproblema mo pa?... kunin mo yung payong ko.”

“Eh pano ka ate?”

“Titila yang ulan mamaya. Sige na mauna ka na, nagmumuni-muni pa ako dito”

“Okay lang talaga sayo?”

Ay takte. Nagpapakabait na ate na nga ko dito eh..

“OO nga! Ayaw mo?”

Imbis na sumagot lumapit siya sa akin, hinawakan niya yung noo ko.

“Syet? Wala ka namang lagnat ah? Anyare?”

“Ang daldal mo nakalunok ka na naman ng tuka ng manok!” sabi ko sabay tabig ng kamay niya.

“Tss. Papapuntahin ko si Ka Pedro dito mamaya, baka na maligno ka eh”

“Aalis ka o babawiin ko yung payong?”

Pagkasabi ko nun umalis na siya.

Hay salamat.

Pero nagkamali pala ko. -_-

Bumukas ulit yung pinto ng kwarto ko.

“Ate agahan mo pag-uwi mamaya hah? Papapuntahin ko si Ka Pedro!” pahabol pa ng baliw kong kapatid.

Sa inis ko binato ko ng unan yung pinto ng kwarto ko, sayang hindi siya natamaan.

Inabot ng isang oras bago ako natapos sa ritwal ko.

Payong Love story (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon