1 month after…
Amber’s POV
“Amber naman 1 month na kong nanliligaw, kelan mo ba ko sasagutin?”
Kelangan pa bang sabihin kung sino yan? Sino pa ba?
“Nako Dustin, kung sumusuko ka na. Tigilan mo ang panliligaw.” Palaging ganyan yan binibilang niya yung araw ng panliligaw niya.
“Ha? Sinong may sabing sumusuko na ko? Hindi ah! Akin na nga yan!” sigaw niya sabay kuha ng mga dala ko.
1 month, 4 hrs and 3 minutes na siyang nanliligaw sa akin…
Paano nangyari yun?
*Flashback
“Oo, ikaw pa ba? Kahit di mo sabihin gagawin ko, prinsesa!”- DJ
“Prinsesa?”
“Oo, prinsesa…Ikaw ang prinsesa ko..ako ang prinsipe handa akong protektahan ka.”-DJ
“Tss.. may kakornihan pa lang tinataglay ang isang Dustin James Cruz?”
“Pagdating sa pag-ibig walang korni nu”-DJ
“Sino naman may sabi sayo nun?”
“Yung lolo ko”-DJ
“Si Dean?”
Tumango-tango naman siya..
“Ah okay” syempre baka pag pumalag ako isumbong pa ko ng mokong na to.
“So ano tayo na?”-DJ
O__O what?
“ANOOOOO?”
“Oh bakit?”-DJ
“Anong tayo na? Sinong may sabi sayo”
“Bakit hindi pa ba?”-DJ
-___- bilis din nito eh
“Syempre hindi ang tikas mo ah.. agad agad?”
“HALA NAMAN?”-DJ
“Manligaw ka muna no”
“Hindi pa ba sapat na umamin ako?” humihirit pa talaga siya diba? San ka nakakita ng ganyang lalaki? haha
“Magkaiba ang pag-amin sa panliligaw” tama naman ako diba?
“Tss. Ang hirap umamin ah, hindi mo ba na-appreciate yun? ibinuhos ko yung isang daang porsiyento ko dun.” At nagreklamo pa?
“Taguro is that you?Maka-isang daang porsiyento ka dyan ah! Edi wag kang manligaw kung ayaw mo.” Sabi ko sabay alis pero hinigit niya yung kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.
“Oo na manliligaw na ko.” Namumula niyang sabi.. haha kyut.
**end of flashback
So ayun nga.. nanliligaw siya until now
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway, dala ni Dustin yung mga books ko na hiniram sa library.
“San ba tayo pupunta?” tanong ng makulit kong manliligaw
“Sa library…”sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/19761567-288-k877011.jpg)